+ -

عن سعيد بن جُبير، قال: قلتُ لابن عباس: إنَّ نَوْفًا البَكالي يزعم أنَّ موسى ليس بموسى بني إسرائيل، إنما هو موسَى آخر؟ فقال: كذبَ عدوُّ الله، حدثنا أُبَي بن كعب عن النبي صلى الله عليه وسلم: «قام موسى النبيُّ خطيبًا في بني إسرائيل، فسُئل أيُّ الناس أعلم؟ فقال: أنا أعلم، فعتب الله عليه، إذ لم يَرُدَّ العلم إليه، فأوحى الله إليه: أنَّ عبدًا من عبادي بمَجْمَع البحرين، هو أعلم منك. قال: يا رب، وكيف به؟ فقيل له: احمل حوتًا في مِكْتَل، فإذا فقدتَه فهو ثَمَّ، فانطلق وانطلق بفتاه يُوشِع بن نُون، وحملا حوتًا في مِكْتَل، حتى كانا عند الصخرة وضعا رءوسهما وناما، فانسلَّ الحوتُ من المِكْتَل فاتخذ سبيله في البحر سَرَبًا، وكان لموسى وفتاه عَجَبًا، فانطلقا بقية ليلتهما ويومهما، فلما أصبح قال موسى لفتاه: آتنا غداءنا، لقد لَقِينا من سفرنا هذا نَصَبًا، ولم يجد موسى مسًّا من النَّصَب حتى جاوز المكان الذي أُمِر به، فقال له فتاه: أرأيتَ إذ أوينا إلى الصخرة فإني نسيتُ الحوتَ، وما أنسانيهُ إلا الشيطانُ. قال موسى: ذلك ما كنا نَبْغي فارتدَّا على آثارِهما قصصًا. فلما انتهيا إلى الصخرة، إذا رجل مُسَجًّى بثوب، أو قال تَسَجَّى بثوبه، فسلَّم موسى، فقال الخَضِر: وأنَّى بأرضك السلام؟ فقال: أنا موسى، فقال: موسى بني إسرائيل؟ قال: نعم، قال: هل أتَّبِعُك على أن تُعَلِّمَني مما عُلِّمْتَ رُشْدًا قال: إنَّك لن تستطيع معيَ صبرا، يا موسى إني على علم من علم الله علَّمَنيه لا تعلمه أنت، وأنت على علم علَّمَكَه لا أعلمه، قال: ستجدني إن شاء الله صابرا، ولا أعصي لك أمرا، فانطلقا يمشيان على ساحل البحر، ليس لهما سفينة، فمرَّت بهما سفينة، فكلَّموهم أن يحملوهما، فعرف الخَضِر فحملوهما بغير نَوْل، فجاء عصفور، فوقع على حرف السفينة، فنقر نقرة أو نقرتين في البحر، فقال الخضر: يا موسى ما نقص علمي وعلمك من علم الله إلا كنقرة هذا العصفور في البحر، فعَمَد الخضر إلى لوح من ألواح السفينة، فنزعه، فقال موسى: قوم حملونا بغير نَوْل عَمَدتَ إلى سفينتهم فخرقتها لتُغْرِق أهلها؟ قال: ألم أقل إنك لن تستطيع معي صبرا؟ قال: لا تؤاخذني بما نسيتُ ولا تُرْهِقْني من أمري عُسْرًا -فكانت الأولى من موسى نسياناً-، فانطلقا، فإذا غُلام يلعب مع الغِلمان، فأخذ الخَضِر برأسه من أعلاه فاقتلع رأسه بيده، فقال موسى: أقتلتَ نفسا زكِيَّة بغير نفس؟ قال: ألم أقل لك إنك لن تستطيع معي صبرا؟ -قال ابن عيينة: وهذا أوكد- فانطلقا، حتى إذا أتيا أهل قرية استَطْعما أهلَها، فأَبَوْا أن يُضَيِّفوهما، فوجدا فيها جدارًا يريد أن يَنْقَضَّ فأقامه، قال الخضر: بيده فأقامه، فقال له موسى: لو شئتَ لاتخذتَ عليه أجرا، قال: هذا فِراق بيني وبينك». قال النبي صلى الله عليه وسلم: «يرحمُ اللهُ موسى، لوَدِدْنا لو صبر حتى يُقَصَّ علينا من أمرهما».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Saed bin Jubayr,nagsabi siya:Sinabi ko Kay Ibnu Abbās: Katotohanang si Nawfan Al-Bakāli,sinasabi niya na si Musa ay hindi si Musa na mula sa Angkan ng Israil,kundi ito ay ibang Musa?Ang sabi niya: Nagsinungaling ang kalaban ng Allah,Isinaysay ni Ubai bin Ka'b,buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Tumayo si Musa,Ang propeta upang magsermon sa mga Anak ng Israel,Tinanong siya,Sino ang pinaka-maalam sa mga Tao? Ang sabi niya: Ako ang pinaka-maalam,Sinubukan siya ni Allah,dahil sa hindi niya sinabi na ang kaalaman ay mula sa kanya,Ipinahayag ng Allah sa kanya:Na ang isang alipin mula sa mga alipin ko na matatagpuan niya sa pinagtagpong dalawang dagat ,Siya ay mas-maalam sa iyo.Ang sabi niya:O Panginoon,papaano nangyari iyon? Sinabi sa kanya; Magdala ka ng isda sa basket,at kapag ito ay nawala,ito ay matatagpuan mo doon,umalis siya at umalis siya kasama Ang isang katulong na lalaki na si Yūsha bin Nūn,at dinala nila ang isda sa basket.hanggang sa sila ay nasa isang malaking bato at inilagay nila ang kanilang ulo rito at nakatulog sila.Nagsilabasan ang mga isda mula sa basket at ang (nilalanguyan) nito ay nagkaroon ng daan sa dagat na parang lagusan.Kayat si Musa at ang katulong nitong lalaki ay namangha,at nagpatuloy silang dalawa sa paglalakbay sa natitirang gabi at araw,At nang kina-umagahan nagsabi si Musa sa katulong niyang lalaki,dalhin mo sa akin ang ating agahan,katotohanan nakaranas tayo ng labis na kapaguran dahil sa ating paglalakbay,at hindi na nakita ni Musa dahil sobrang pagod nila hanggang sa napalayo sila sa lugar na ipinag-utos sa kanya,Ang sabi ni Musa sa katulong niyang lalaki: "Hindi moba naalala-ala nang tayo ay tumahan at magpahinga sa isang bato,katotohanang aking nakalimutan Ang isda,at wala ng ibang makalimutan ko ito maliban kay Satanas,Ang sabi ni Mūsa:Iyan ang ating hinahanap,Kayat sila ay nagbalik at tinalunton nila ang kanilang mga yapak.At nang matapos silang dalawa (sa paghahanap) sa isang bato,kung-Kayat isang lalaki Ang nakita nila na nakabalot sa damit nito,nagsabi siya;Nakabalot siya sa damit nito,At binati siya ni Mūsa nang kapayapaan,Ang sabi ni Khadr; At sa kalupaan moba ay mayroon pang kapayapaan?Ang sabi niya:Ako si Mūsa,Nagsabi siya: Musa mula sa angkan ng Israel?Ang sabi niya:Oo.Ang sabi niya:Maaari ba akong sumunod sa iyo upang maturuan mo ako sa mga bagay ng karunungan na itinuro sa iyo ni Allah?Nagsabi siya: Katotohanang ikaw ay hindi makakapagpasensiya sa akin,O Mūsa ako nagtataglay ng kaalaman mula sa kaalaman ni Allah,itinuro niya ito sa akin at hindi mo ito nalalaman,at ikaw ay nagtataglay ng kaalaman Na itinuro niya ito sa iyo at hindi ko ito nalalaman,Si Mūsa ay nagsabi:"Iyong matatagpuan ako,sa kapahintulutan ni Allah,Na matiyaga at Hindi ko susuwayin ang ipag-uutos mo.Nagpatuloy sila sa paglalakad sa tabi ng dagat,wala silang bangka,at dumaan sa kanila ang bangka,nakiusap sila sa kanila na pasakayin silang dalawa,Napag-alaman ito ni Khaydr at isinakay silang dalawa Na walang bayad,dumating ang isang ibon,at dumapo ito sa bangka,tumuka ito ng isang beses o dalawang beses sa karagatan,Ang sabi ni Khadr: O Mūsa walang nabawas sa kaalaman ko at kaalaman mo mula sa kaalaman ng Allah liban sa kasing-tulad ng pagtuka ng ibon na iyon sa karagatan,at sinadya ni Khadr na kunin ang karatola mula Sa mga karatola sa bangka,at tinanggal niya ito.Ang sabi nu Mūsa:Mga taong nagpasakay sa atin na walang bayad ngunit tinangka mo ang bangka nila na ilunod ito at ang mga taong nakasakay rito?Nagsabi siya: Hindi baga Na sinabi ko na sa iyo na ikaw ay hindi makakatagal n pagpasensiyahan ako?Ang sabi niya (Mūsa): Huwag mo akong sisihin sa bagay na nakalimutan ko at huwag kang maging mahigpit sa akin dahil sa ikinikilos ko sa iyo-kung Kayat nagka ganoon si Mūsa dahil sa pagkalimot,Nagpatuloy silang dalawa,at nakita nila ang batang naglalaro kasama ang mga kabataan,kinuha ni Khadr Ang ulo nito at pinugot niya ito sa pamamagitan ng kamay niya,Ang sabi ni Mūsa: Iyong pinatay ang isang walang kasalanang tao,hindi bat wala naman siyang pinatay?Nagsabi siya(Khidr):Hindi baba sinabi kona sa iyo na ikaw ay hindi magtatagal sa pagpapasensiya sa akin?-Ang sabi ni Ibnu 'Uyaynah: at ganyan ko ito sinigurado-At silang dalawa ay nagpatuloy,hanggang nang sila ay dumating sa pamayanan ng bayan sila ay naghingi my pagkain sa kanila,datapuwat sila ay tumanggi na gawaran sila ng mabuting pagtanggap,at kanilang natagpuan dito Ang isang dingding (o bakod) na halos guguho na,kaya't kanyang inayos ito(itinindig at itinuwid),Nagsabi si Khadr:Sa kamay nito itinindig,Nagsabi sa kanya si Mūsa: kung iyong ninais,katiyakang maari kang humingi ng kabayaran rito.Si (Khidr) ay nagsabi: Ito na ang sandali na ating paghihiwalay"Nagsabi ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kaawaan nawa ni Allah si Mūsa,katotohanang ninais namin kung siya ay nakapatiis hanggang sa maimwento sa amin ang mga ginawa nilang dalawa.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Sinabi ni Saēd bin Jubayr,katotohanang ipinahayag ni Ibnu 'Abbās,Na ang isang lalaking tinatawag sa Nawf Al-Bakāli,nagsasabi na ang Mūsa na naging kasama ni Khidr ay hindi ang Mūsa na Sugo sa angkan ng Israel,kundi ito ay ibang Mūsa?Ang sabi ni Ibnu 'Abbās:(Nagsinungaling ang kalaban ni Allah) at ito ay paglabas mula sa pagpapalabas ng mahigpit na pangangaral at pagbibigay babala,at hindi paninira kay Nawf,Sapagkat si Ibnu 'Abbās ay nagsabi nito na siya ay nagagalit at ang salita nang nagagalit ay nagiging hindi totoo sa kadalasan At ang pagpapasinungaling sa kanya dahil sa sinabi niya ito na hindi sa tamang pangyayari at hindi nararapat sa kanya na pagtiwalaan ito.Pagkatapos ay pinatunayan niya ang pagsisinungaling ni Nawf na katotohanang si Ubay bin Ka'b ay nangusap sa kanya buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na si Mūsa ay tumayo upang magsermon sa angkan ng Israel,tinanong siya ng isang lalaki: Sino ang pinaka-maalam Sa mga tao? Nagsabi siya;Ako ang pinaka-maalam Sa mga tao.At ito ay sinabi ni Musa-sumakanya Ang pangangalaga-ayon sa paniniwala nito.Pinagsabihan siya ni Allah-kamahal mahalan Siya at kapita pitagan-sapagkat hindi niya sinabing Ang kaalaman ay mula sa kanya,at hindi niya sinabing: Si Allah ang higit na nakaka-alam.kayat ipinahayag ni Allah kataas-taasan Siya-sa kanya na mayroong isang alipin mula sa alipin ko na tinatawag na Khidr na makikita sa pinagtatagpuan ng dalawang dagat,siya at Mas-maalam kaysa iyo.Si Musa ay nagsabi:O Panginoon,ano Ang paraan para makatagpo ito?Nagsabi siya sa kanya:magdala ka ng isda at ilagay ito sa lalagyan na yari sa dahon ng Palmera, at kapag nawala Ang isda ay matatagpuan mo si Khidr doon( sa lugar na nawalan ng isda).Naglakbay si Mūsa kasama Ang katulong niya na tinatawag sa Yūsha' bin Nūn,At nagdala silang dalawa ng isda sa lalagyan na yari sa dahon ng Palmera,tulad ng ipinag-utos nito ni Allah sa kanya,hanggang sa dumating sila sa isang bato sa tabi ng karagatan,inilagay molang dalawa abg ulo nila at nakatulog sila.Lumabas Ang isda sa pinaglalagyan nito at gumawa ng daan patungo sa karagatan,At pinatigil ni Allah ang daloy ng tubig para Sa isda at ito ay naging katulad ng lagusan,at Ang pagkabuhay ng isda at pagtigil Sa daloy ng tubig hanggang Sa naging parang lagusan pagkatapos nito ay naging kamangha-mangha para kay Mūsa at Sa katulong nitong lalaki.At nagpatuloy sila sa nalalabi nilang gabi at araw.At nang kina-umagahan si Mūsa ay nagsabi Sa katulong niya: Dalhin mo rito Ang ating agahan katotohanang nagtamo tayo ng kapaguran sa ating paglalakbay,at hindi ito natagpuan ni Mūsa dahil sa pagod hanggang sa na lampas sila sa lugar na ipinag-utos sa kanya,kayat nakaramdam siya ng pagka-gutom at kapaguran.Nagsabi sa kanya Ang katulong niyang lalaki: Katotohanan nang tayo ay nasa malaking bato,ay nawala ko ang isda.Ang sabi ng Mūsa: Iyan Ang hinahanap natin dahil iyan Ang palatandaan kung saan matatagpuan si Alkhidr,Bumalik silang dalawa Sa lugar na (unang) dinatnan nila,sinusunod nila Ang mga yapak nila bilang pagsunod.At nang dumating silang dalawa,natagpuan nila Ang isang lalaking nakabalot ang damit nito sa buong katawan Sa kanyang damit,Bumati si Mūsa sa kanyang kapayapaan,Ang sabi ni Khidr:( At sa lugar moba ay mayroon pang kapayapaan) Ibig sabihin ay: Mayroon pa bang natitirang kapayapaan sa aking kalupaan?Ito ay pagtatanong sa kalayuan (ng pangyayari),Nagpapatunay na Ang mga Tao sa kalupaan ay hindi magkaka-ganoon, kung sila ay naging mga Muslim.Ang sabi ni Mūsa kay Khidr:Ako si Mūsa.Nagsabi Sa kanya si Khidr:Ikaw ba si Mūsa na Sugo sa mga angkan ng Israel?Ang sabi ni Musa:Oo.At ito ay pagpapatunay na kahit Ang mga Propeta at Ang iba pa sa kanila ay walang kaalaman sa mga nakalingid maliban sa kung ano ang itinuro sa kanila ng Allah-Pagkataas-taas Niya,Sapagkat si Khidr,kung alam lang niya ang lahat ng nakalingid,makikilala na niya si Mūsa bago niya ito tanungin,At ito Ang pagpapatunay na dahil dito ay binanggit ni Ibni 'Abbās Ang Hadith,Pagkatapos ay sinabi sa kanya ni Mūsa: Maari ba akong sumunod sa iyo upang ako ay maturuan mo sa mga bagay na itinuro sa iyo ni Allah na kaalaman?At hindi magiging-hadlang ang pagiging Propeta niya o pagiging maalam niya sa batas ni Allah na magkaroon siya ng kaalaman sa iba,na wala namang naging kondisyon sa mga kabanata ng Relihiyon,Sapagkat ang mga Sugo ay nararapat na sila'y maging mas-maalam sa mga taong pinag-utusan sa kanya at sa mga taong pinadalhan sa kanya mula sa mga panuntunan ng Relihiyon at sa mga sangay nito na hindi pangkalahatan.Sinagot siya ni Khidr at sinabi niya:Katotohanan ikaw ay hindi maka kapag-pasensiya sa akin;Sapagkat gagawin ko ang mga bagay na sa paningin (ng mga tao) ay kasalanan ngunit sa loob nito ay hindi mo nalalaman.pagkatapos niya sa kanya:O Mūsa,Katotohanan pinagkalooban ako ng kaalaman mula sa kaalaman ni Allah itinuro niya ito sa akin at hindi mo ito nalalaman.at ikaw ay pinagkalooban ng Allah ni Allah ng kaalaman na Hindi ko nalalaman.Nagsabi sa kanya si Mūsa:Matatagpuan mo ako sa kapahintulutan ni Allah na mapagpasensiya sa iyo at hindi susuway sa iyo,at hindi ko lalabagin Ang anumang ipinag-uutos mo.Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad sa tabi ng dagat at wala silang bangka,dumaan sa kanilang dalawa Ang isang bangka,at nami-usap sila sa may-ari ng bangka ng pasakayin silang dalawa,nakilala ng may-ng bangka si Khidr kayat pinasakay nila silang dalawa Na walang bayad,dumating Ang isang ibon at dumapo ito sa bangka,tumuka ito ng isang beses o dalawa sa karagatan.Nagsabi si Khidr:O Mūsa,Hindi nabawasan Ang kaalaman ko at kaalman mo mula sa kaalaman ni Allah maliban sa katulad ng pagtuka ng ibon Na iyan sa karagatan.At sinadya ni Khidr ang karatula(o tableta)mula sa karatula ng bangka,tinanggal niya ito gamit ang palakol,binutasan niya Ang bangka at pinasukan ito ng tubig,Ang sa kanya ni Mūsa-Sumakanya Ang kapayapaan-Sila at mga taong nagpasakay sa atin na walang bayad,sinadya mong bangka nila na butasin upang malunod Ang mga tao rito,Nagsabi si Khidr bilang pagpapahalaga-ala sa anumang sinabi niya sa kanya noon:Hindi baga sinabi kona sa iyo Na ikaw ay Hindi makakapagpasensiya sa akin.Ang sabi ni Mūsa:Huwag mo akong parusahan sa bagay Na nakalimutan ko at huwag kang maging mahigpit sa akin,sapagkat Ang mga bagay Na ito ay nagpapahirap sa akin sa pagsunod sa iyo.Kayat Ang unang naging paksa kay Mūsa sumakanya ang kapayapaan ay pagkalimot.Nagpatuloy silang dalawa Pagkatapos nilang lumabas sa bangka,at nakita nila Ang isang batang naglalaro kasama Ang mga kabataan kinuha ni Khidr Ang ulo ng bata at hinila niya ito Sa mga kamay niya.Nagsabi si Mūsa Kay Khidr-sumakanya Ang kapayapaan-:Pinatay mo isang buhay na dalisay Sa mga kasalanan,wala tayong nakita naging kasalanan niya upang hatolan natin siya ng kamatayan,o Di kaya'y kumitli siya ng buhay upang (hatolan siya at) patayin dahil dito.Nagsabi si Khidr kay Mūsa-suma kanilang dalawa Ang kapayapaan:Hindi bat sinabi ko sa iyo na katotohanan ikaw ay hindi makakapag pasensiya sa akin,Na may karagdagang ((sa iyo)),At sa oras na ito ay,pagpapadagdag ng sermon,Kung-kaya't nagsabi si Sufyān Uyaynah isa sa tagasalaysay ng Hadith:At ganyan ko ito sinigurado,at pinatunayan niya ito sa pagdagdag ng ((sa iyo)) sa oras na ito.Nagpatuloy sila hanggang sa dumaan silang dalawa sa pamayanan ng bayan at humingi sila sa kanila ng pagkain ngunit tumanggi sila na gawaran silang mabuting pagtanggap at wala silang natagpuan sa bayan na iyon na pagtanggap at matirahan,nakatagpo silang dalawa ng dingding o bakod na halos mahulog na at guguho,itinuro ito ni Khidr sa kamay niya at itinindig at inayos.Ang sabi ni Mūsa kay Khidr:Kung iyong ninais ay katiyakang maaari kang humingi ng kabayaran para rito,upang maging tulong sa atin sa paglalakbay.Nagsabi si Khidr kay Mūsa-sumakanya Ang kapayapaan-Iyan ang ikatlong beses na pagsalungat,na siyang dahilan sa paghihiwalay sa pagitan ko at pagitan mo.Nagsabi Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Kaawaan nakwa ni Allah si Mūsa ,katotohanang inibig namin at pinangarap namin na siya ay nakapagpasensiya upang madag-dagan dahil sa mga pangyayari sa pagitan nilang dalawa ang kaalaman at karunungan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan