+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «خَيْرُ يومٍ طَلَعَتْ عليه الشمس يومُ الجُمعة: فيه خُلِقَ آدَم، وفيه أُدْخِلَ الجَنة، وفيه أُخْرِجَ منها».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Dito nilikha si Adan, dito ipinasok siya sa Paraiso, dito inilabas siya mula roon."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Sa araw na ito nilikha si Adan, ang ama ng Sangkatauhan. Nilikha siya ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa pamamagitan ng kamay Nito. Nilikha Nito siya mula sa alabok at nangyari iyon sa araw ng Biyernes. Sa araw na ito ipinasok si Adan sa Paraiso, ang tuluyan na tutuluyan ng Sangkatauhan. Ipinasok siya ni Allāh sa Paraiso, siya at ang maybahay niya. Sa araw ng Biyernes, inutusan siya ni Allāh, pagkataas-taas Niya, na lumabas mula sa Paraiso. Ang pagpapalabas sa kanya ay hindi para hamakin, bagkus dahil sa hinihiling ng karunungan ni Allāh, pagkataas-taas Niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الجورجية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan