+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قِيلَ: يا رسُول الله، مَن أَكرم النَّاس، قال: اتقاهم، فقالوا: لَيس عن هذا نَسأُلُك، قال: «فَيُوسُفُ نَبِيُّ الله ابنُ نَبِيِّ الله ابنِ نَبِيِّ الله ابنِ خَلِيلِ اللهِ» قالوا: لَيس عَن هذا نَسأَلُك، قال: «فعَن مَعَادِن العَرَب تسأَلُوني؟ خِيَارُهُم في الجاهِليَّة خِيَارُهُم في الإِسلام إذا فَقُهُوا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanyaHadith na Marfu: Sinabi sa kanya: O Sugo ni Allah,Sino ang pinakamarangal sa mga tao?Nagsabi siya:Ang may pinakamalaking takot sa kanila,Ang sabi nila: Hindi tungkol diyan ang itinatanong namin,Nagsabi siya: (( Si Yusof na Propeta ni Allah,na anak ng Propeta ni Allah,at anak ng Propeta ni Allah,na anak ng Kaibigan ni Allah)),Ang sabi nila: Hindi tungkol diyan ang itinatanong namin,Nagsabi siya:(( Sa mga Tribo ba ng Arabo ang inyong itinatanong sa akin? Ang pinakamainam sa kanila sa [panahon ng] Kamang-mangan,ay ang pinakamainam sa kanila sa Islam kapag nagkaroon sila ng kaalaman))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Sa Hadith,Tunay na ang pinakamarangal sa mga tao pagdating sa pamilya,Tribo,at Ninuno,sila yaong pinakamainam sa panahon ng Kamang-mangan,Ngunit sa isang kondisyon,kapag sila ay nagkaroon ng kaalaman,Halimbawa: Angkan ng Hashim,Kabilang sa napag-alaman,sila ang pinakamainam sa [Tribo ng] Quraysh sa Islam, Ngunit sa kondisyong kapag nagkaroon sila ng kaalaman sa Relihiyon ni Allah,at kapag natutunan nila ang mga Panuntunan nito,Kapag hindi nila nakamit ang kaalaman sa Relihiyon,Tunay na ang karangalan ng Pamilya ay hindi magiging pamagitan sa nagmamay-ari nito,kahit na mataas ang pamilya nito at kabilang sa pinakamainam sa mga Arabo pagdating sa Pamilya at Tribo,Tunay na hindi siya kabilang sa pinakamarangal na nilikha ,para kay Allah,at hindi kabilang sa pinakamainam na nilikha.Gayunpaman ,ang tao nagiging marangal dahil sa pamilya niya ngunit sa kondisyong [Magtataglay] ng kaalaman sa Relihiyon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan