عن أبي رَمْثة رضي الله عنه أنَّه قال للنبي صلى الله عليه وسلم : أَرِني هذا الذي بظهرك، فإنِّي رجلٌ طبيبٌ، قال: «اللهُ الطبيبُ، بل أنت رجلٌ رَفِيقٌ، طبيبُها الذي خلقَها».
[صحيح] - [رواه أبو داود وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Ramthah, malugod si Allāh sa kanya, siya ay nagsabi sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ipakita mo po sa akin itong nasa likod mo sapagkat tunay na ako ay isang lalaking manggagamot." Nagsabi siya: "Si Allāh ay ang Manggagamot, bagkus ikaw ay isang lalaking banayad; ang Manggagamot nito ay ang lumikha rito."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Si Abū Ramthah, malugod si Allāh sa kanya, ay isang manggagamot noon. Nakita niya ang Propeta, ang pangwakas sa pagkapropeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na may nakalitaw na umbok sa pagitan ng mga balikat. Inakala niyang iyon ay isang bukol na tumubo mula sa mga laman kaya hiniling niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na lunasan ito. Tinugon ng Hinirang, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang salita niya: "Si Allāh ay ang Manggagamot..." Nangangahulugan ito: Siya ay ang nanggagamot na tunay sa pamamagitan ng gamot na nakalulunas sa karamdaman. "bagkus ikaw ay isang lalaking banayad..." Nagpapakabanayad ka sa maysakit at nagpapakamalumanay ka sa kanya. Iyon ay dahil sa ang manggagamot ay ang nakaaalam sa reyalidad ng gamot at karamdaman. Ang nakakakaya naman sa pagdudulot ng kalusugan at kalunasan ay walang iba iyon kundi si Allāh.