عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«لَأَنْ أَقُولَ: سُبْحَانَ اللهِ، وَالْحَمْدُ لِلهِ، وَلَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، وَاللهُ أَكْبَرُ، أَحَبُّ إِلَيَّ مِمَّا طَلَعَتْ عَلَيْهِ الشَّمْسُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2695]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang magsabi ako ng subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh), alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa anumang sinikatan ng araw."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2695]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pag-alaala kay Allāh sa pamamagitan ng mga dakilang pangungusap na ito ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito. Ang mga ito ay:
Ang "subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh)": isang pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa mga kakulangan;
Ang "alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh)": isang pagbubunyi sa Kanya sa pamamagitan ng mga katangian ng kalubusan kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya;
Ang "lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)": Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh;
Ang "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)": higit na dakila at higit na kapita-pitagan kaysa sa bawat bagay.