+ -

عن عبد الله بن مسعود رضي الله عنه عن النبيِّ صلى الله عليه وسلم ، قَالَ: «لا يدخلُ الجنةَ مَن كان في قلبه مِثقال ذرةٍ من كِبر» فقال رجل: إنّ الرجلَ يحب أن يكون ثوبه حسنا، ونَعله حسنة؟ قال: «إنّ الله جميلٌ يحب الجمالَ، الكِبر: بَطَرُ الحق وغَمْطُ الناس».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang sa puso niya ay may kasimbigat ng butil ng alikabok na pagmamalaki." Nagsabi ang isang lalaki: "Tunay na ang tao ay ibig na ang damit niya ay maganda at ang sapatos niya ay maganda." Nagsabi siya: "Tunay na si Allah ay maganda na naiibigan ang kagandahan. Ang pagmamalaki ay ang pagwawalang-bahala sa katotohanan at ang pag-aalipusta sa mga tao."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang sa puso niya ay may kasimbigat ng butil ng alikabok na pagmamalaki." Ang ḥadīth na ito ay bahagi ng mga ḥadīth ng pagbabanta at nangangailangan ng pagdedetalye ayon sa mga patunay na isinabatas. Ang taong sa puso niya ay may pagmamalaki ay may isa sa dalawang kalagayan: na may pagmamalaki sa katotohanan at pagkasuklam dito, ito ay isang Kāfir na mamamalagi sa Impiyerno at hindi papasok sa Paraiso dahil ang sabi ni Allah, pagkataas-taas Niya: "Iyan ay dahil sa sila ay nasuklam sa ibinaba ni Allah kaya naman pinawalang-saysay Niya ang mga gawa nila." (Qur'an 47:9); o kapag may pagmamalaki sa nilikha at pagmamataas sa nilikha ngunit siya ay hindi naman nagmamalaki sa pagsamba kay Allah, ito ay napatungkulan ng bantang ito kaya naman hindi siya papasok sa Paraiso kasama ng unang pangkat. Noong isinalaysay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang ḥadīth na ito, may nagsabing isang lalaki: O Sugo ni Alalh, ang tao ay ibig na ang kasuutan niya ay maganda, ang sapatos niya ay maganda; nangangahulugan bang ito ay bahagi ng pagmamalaki? Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tunay na si Allah ay maganda; naiibigan Niya ang kagandahan." Si Allah ay maganda sa sarili Niya, maganda sa mga gawa Niya, maganda sa mga katangian Niya. Ang bawat namumutawi kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sapagkat tunay na Siya ay maganda at hindi pangit. Ang sabi niya na "iniibig niya ang kagandahan" ay nangangahulugang naiibigan Niya ang pagpapakaganda, na ang kahulugan ay naiibigan Niya ang pagpapakaganda ng tao sa kasuutan nito, sa sapatos nito, sa katawan nito, at sa lahat ng mga nauukol rito dahil ang pagpapakaganda ay humahalina sa mga puso sa tao at gumagawa rito na kaibig-ibig sa mga tao. Ito ay salungat sa pagpapakarusing na dahil dito ang tao ay nagiging pangit sa buhok nito o sa kasuutan nito o sa damit nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Portuges
Paglalahad ng mga salin