+ -

عن الزُّبير بن العَوَّام رضي الله عنه قال: كان على النبي صلى الله عليه وسلم دِرْعان يوم أحد، فنهض إلى الصَّخرة فلم يستطع، فأَقعد طلحة تحته، فصعد النبي -صلى الله عليه وسلم عليه- حتى استوى على الصخرة، فقال: سمعتُ النبي صلى الله عليه وسلم يقول: «أَوْجِبْ طلحة».
[حسن] - [رواه الترمذي وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Azzubayr bin Al-`Awam-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay may dalawang Kalasag sa Araw ng Uhud,Umakyat siya sa malaking bato ngunit hindi niya nakayanan,Umupo si Talhah sa ilalim niya,pina-akyat niya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- rito, hanggang sa pumantay siya sa malaking bato,Nagsabi siya:Narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: ((Karapat-dapat si Talhah))
[Maganda] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsusuot ng dalawang damit na yari sa bakal upang proteksiyon niya sa mga panaksak ng mga kalaban sa [naganap na] Pandarambong sa Uhud.Tumayo siya na nakaharap sa malaking bato upang umakyat rito ngunit hindi niya nakayanan,Dumating si Talhah-malugod si Allah sa kanya-at umupo sa ilalim ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Umakyat siya rito hanggang sa nakaakyat sa ibabaw ng Malaking bato.Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: (( Karapat-dapat si Talhah)) Ibig sabihin: Tunay na si Talhah ay napatunayan niya sa sarili niya dahil sa ginawa niyang ito o Dahil sa ginawa niya sa Araw na ito,ang Paraiso.At nararapat ito sa kanya dahil sa ginawa niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Hausa
Paglalahad ng mga salin