عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما:
عن النبي صلى الله عليه وسلم أنه كان إذا دخل المسجد قال: «أعوذ بالله العظيم، وبوجهه الكريم، وسلطانه القديم، من الشيطان الرَّجِيم»، قال: أَقَطُّ؟ قلت: نعم، قال: فإذا قال ذلك قال الشيطان: حُفِظَ منِّي سائر اليوم.
[حسن] - [رواه أبو داود] - [سنن أبي داود: 466]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):
{Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya noon, kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`ađīm, wa-bi-wajhihi –lkarīm, wa-sulṭānihi –lqadīm, mina –shshayṭāni –rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal, at sa kapamahalaan Niyang datihan, laban sa demonyong isinumpa.)" Nagsabi siya: "Sapat na ba?" Nagsabi ako: "Oo." Nagsabi siya: "Kaya kapag sinabi niya iyan, magsasabi ang demonyo: Iningatan siya laban sa akin sa nalalabi sa araw."}
[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud] - [سنن أبي داود - 466]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`aḍ̆īm, ... (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, ...)": Nangungunyapit ako at nagpapakanlong ako kay Allāh at sa mga katangian Niya. "wa-bi-wajhihi –lkarīm, ... (sa mukha Niyang marangal, ...)": Ang Galanteng Tagapagbigay. "wa-sulṭānihi ... (at sa kapamahalaan Niyang ...)": at sa pananaig Niya, kakayahan Niya, at paglupig Niya sa sinumang ninais Niya mula sa nilikha Niya. "[a]lqadīm, ... (datihan, ...)": ang walang-pasimulang walang-hanggan. "mina –shshayṭāni –rrajīm." (laban sa demonyong isinumpa.)": ang pinalayo at ang itinaboy palayo sa awa ni Allāh. Ibig sabihin: O Allāh, ingatan Mo ako laban sa pasaring niya, paglilisya niya, mga hakbang niya, mga haka niya, pag-akit niya, at pagpapaligaw niya sapagkat tunay na siya ay ang kadahilanan sa kaligawan at ang tagapag-udyok sa kalisyaan at kamangmangan. Kaya sinabi kay `Abdullāh bin `Amr: "Sapat na ba?" Ibig sabihin: "Nagsabi ba ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nito lamang?" Nagsabi siya: "Oo."
Kaya kapag nagsabi ng panalanging ito ang pumapasok sa masjid, magsasabi ang demonyo: "Talaga ngang nag-ingat ang pumapasok na ito sa sarili niya laban sa akin sa lahat ng oras: sa araw niya at sa gabi niya."