عن أبي هريرة رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: "كَلِمَتَانِ خفيفتان على اللسان، ثقيلتان في الميزان، حبيبتان إلى الرحمن: سبحان الله وبحمده، سبحان الله العظيم".
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allah sa kanya-buhat sa Sugo ni Allah-pagapalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:Dalawang salitang napakagaan sa dila,mabigat sa timbang, Kaibig-ibig sa Allah [ang Mahabagin]: Napakamaluwalhati ni Allah,dahil sa Papuri sa Kanya,Napakamaluwalhati Niya,Ang Napaka-dakila.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinapaalam ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Hadith na ito na ang Panginoon natin ang Mahabagin na Ipinagpala Ka at Pagkataas-taas Niya,ay iniibig ang dalawang salitang ito,ang nagtataglay ng kaunting mga letra ngunit napakabigat sa timbang-Napamaluwalhati Niya dahil sa Papuri sa Kanya,Napakamaluwalhati Niya, Ang Napaka-dakila- dahil sa napapaloob rito mula sa Pagluluwalhati sa Allah Pagkataas-taas Niya,at pagdadalisay nito mula sa mga Kapintasan at sa mga bagay na hindi nararapat sa Kadakilaan Niya, Ipinagpala Ka at Pagkataas-taas Niya,at ang pagsisiguro sa Pagdadalisay na ito sa Pagtatangi sa Pagdadakila.