+ -

عن جويرية بنت الحارث رضي الله عنها قالت: قال لي رسول الله صلى الله عليه وسلم : «لقد قلت بعدك أربع كلمات، لو وُزِنَتْ بما قلت منذ اليوم لَوَزَنَتْهُنَّ: سبحان الله وبحمده، عدد خلقه ورضا نفسه وَزِنَةَ عرشه و مِدَادَ كلماته».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Juwayrah bint Al-Harith-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Nagsabi ka [ng paggunita] sa pag-iwan ko sa iyo ng apat na salita,kung ito ay titimbangin sa sinabi mo mula sa buong araw na ito,magiging katumbas niya ito sa timbang:"Kaluwalhatian sa Allah at sa Kanya ang ang lahat ng papuri,sa dami ng bilang ng Kanyang nilikha,at sa Kanyang kaluguran at s bigat ng Kanyang Trono [Dakilang Luklukan] at lawak [ng naisulat] ng Kanyang mga salita"))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ipinapaalam ni Juwayriyah-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay lumabas mula sa kanya,nang siya ay nagdasal ng madaling araw,pagkatapos ay bumalik siya sa oras ng Duha,natagpuan niya ito na gumugunita sa Allah-Pagkataas-taas Niya, Ipina-alam niya sa kanya na siya ay nagsabi ng apat na salita pagkatapos [ng paglabas niya],na kung ito ay ikukumpara sa mga nasabi niya, magiging kapareho niya ito sa gantimpala,o magiging katumbas niya ito sa timbang,Pagkatapos ay ipinahayag niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagsabi niya ng :" Kaluwalhatian sa Allah at sa Kanya ang ang lahat ng papuri,sa dami ng bilang ng Kanyang nilikha,at sa Kanyang kaluguran at s bigat ng Kanyang Trono [Dakilang Luklukan] at lawak [ng naisulat] ng Kanyang mga salita" Ibig sabihin ay:Maraming pagluluwalhati ,umaabot sa bilang ng Kanyang nilikha,at walang nakakaalam sa bilang nila maliban sa Allah,at Dakilang pagluluwalhati na ikinalulugod Niya-Napakamaluwalhati Niya,at Mabigat na Pagluluwalhati ,Kasimbigat ng Kanyang Trono [Dakilang Luklukan] kung ito lamang ay nararamdaman,at Pagluluwalhating tuloy-tuloy at palagian,walang hangganan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Swahili Asami الأمهرية الهولندية
Paglalahad ng mga salin