+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «أتدرون من المفلس؟» قالوا: المُفْلِس فينا من لا دِرهَمَ له ولا مَتَاع، فقال: «إن المفلس من أمتي من يأتي يوم القيامة بصلاة وصيام وزكاة، ويأتي وقد شَتَمَ هذا، وقذف هذا، وأكل مال هذا، وسَفَكَ دم هذا، وضرب هذا، فيعطى هذا من حسناته، وهذا من حسناته، فإن فنيت حسناته قبل أن يُقْضَى ما عليه، أخذ من خطاياهم فَطُرِحتْ عليه، ثم طُرِحَ في النار».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Nalalaman ba ninyo kung sino ang bangkarota?" Nagsabi sila: "Ang bangkarota sa amin ay ang walang dirham sa kanya at walang ari-arian." Nagsabi siya: "Tunay na ang bangkarota sa kalipunan ko ay ang sinumang darating sa Araw ng Pagkabuhay na may dalang dasal, ayuno, at zakāh. Darating siya samantalang nanlait kay ganito, nanirang-puri kay ganiyan, lumamon ng yaman ni ganoon, nagpadanak ng dugo ni ganito, at nanakit kay ganiyan. Kaya bibigyan si ganito mula sa mga magandang gawa niya at si ganiyan mula sa mga magandang gawa niya. Kaya kapag naubos ang mga magandang gawa niya bago mabayaran, kukuha mula sa mga kamalian nila at itatapon sa kanya. Pagkatapos ay itatapon siya sa Impiyerno."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Tinatanong ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga kasamahan, ang pagkalugod ni Allāh ay sumakanila. Nagsabi siya: "Nalalaman ba ninyo kung sino ang bangkarota?" Ipinabatid nila sa kanya ang alam na ng mga tao. Sinabi nila: "Siya ay ang maralitang walang salapi at walang ari-arian." Ipinabatid sa kanila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang bangkarota sa kalipunang ito ay ang sinumang darating sa Araw ng Pagkabuhay na may dalang mga malaking magandang gawa at maraming matuwid na gawa gaya ng dasal, ayuno, at zakāh ngunit darating siya samantalang nanlait kay ganito, nangamkam ng yaman ni ganiyan, nanirang-puri kay ganoon, nagpadanak ng dugo ni ganito. Ang mga tao ay nagnanais na makuha ang karapatan nila kaya ang hindi nila nakukuha sa Mundo ay kukunin nila sa Kabilang-buhay. Gaganti sa kanya para sa kanila. Kaya kukuha si ganito mula sa mga magandang gawa niya, si ganiyan mula sa mga magandang gawa niya, at si ganoon mula sa mga magandang gawa niya ayon sa katarungan at pagganting ayon sa karapatan. Kaya kapag naubos ang mga magandang gawa niya, kukuha mula sa mga masagwang gawa nila at itatapon sa kanya. Pagkatapos ay itatapon siya sa Impiyerno.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin