عَنْ جَابِرٍ رضي الله عنه قَالَ: سَمِعْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«إِنَّ الشَّيْطَانَ قَدْ أَيِسَ أَنْ يَعْبُدَهُ الْمُصَلُّونَ فِي جَزِيرَةِ الْعَرَبِ، وَلَكِنْ فِي التَّحْرِيشِ بَيْنَهُمْ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2812]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Tunay na ang demonyo ay nawalan na ng pag-asa na sumamba sa kanya ang mga nagdarasal sa Tangway ng Arabya, subalit [nagpatuloy] sa pagpapasigalot sa gitna nila."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2812]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Satanas ay nawalan ng pag-asa na manumbalik ang mga mananampalatayang nagdarasal sa pagsamba sa kanya at pagpapatirapa sa anito sa Tangway ng Arabya, subalit siya ay hindi tumigil na nagmimithi. Hindi tumigil ang pagsisikap niya, ang pagpapagal niya, ang paggawa niya, at ang pagpupunyagi niya sa pagpapasigalot sa gitna nila sa pamamagitan ng mga alitan, pagkamuhi, mga digmaan, mga sigalot, at tulad ng mga ito.