+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَا يَسْتُرُ عَبْدٌ عَبْدًا فِي الدُّنْيَا إِلَّا سَتَرَهُ اللهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2590]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Walang nagtatakip na isang tao sa isang tao sa Mundo malibang magtatakip sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2590]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nagtatakip ang isang Muslim sa kapatid niyang Muslim kaugnay sa isang usapin kabilang sa mga usapin, magtatakip sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Araw ng Pagbangon sapagkat ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Ang pagtatakip ni Allāh sa kanya ay sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga kapintasan niya at mga pagsuway niya palayo sa pagkakabunyag sa mga ito sa mga tao sa Kalapan (larangan ng pagtitipunan ng mga binuhay). Ito ay maaaring maging sa pamamagitan ng pagwaksi ng pagtutuos sa kanya dahil sa mga iyon at pagbanggit sa mga ito sa kanya.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkaisinasabatas ng pagtatakip sa Muslim kapag gumawa siya ng pagsuway kasama ng pagmamasama sa kanya, pagpapayo sa kanya, at pagpapangamba sa kanya kay Allāh. Hinggil naman sa kapag siya ay naging kabilang sa mga kampon ng kasamaan at katiwalian, na mga tagapaglantad ng mga pagsuway at kasuwailan, tunay na hindi nararapat ang pagtatakip sa kanila dahil ang pagtatakip sa kanila ay nagpapalakas-loob sa kanila sa mga pagsuway. Isasampa lamang ang kaso niya sa mga may kapamahalaan, kahit pa man sa gagawing ito ay may pagbanggit sa kanya, dahil siya ay naghahayag ng kasutilan niya at pagsuway niya.
  2. Ang pagpapaibig sa pagtatakip sa mga kamalian ng mga ibang tao.
  3. Kabilang sa mga benepisyo ng pagtatakip ang pagbibigay ng pagkakataon para sa nagkakasala na magrepaso siya ng sarili niya at magbalik-loob siya kay Allāh dahil ang paghahayag ng mga kapintasan at mga kahihiyan ay bahagi ng pagpapalaganap ng kahalayan, sumisira sa kapaligirang panlipunan, at nag-uudyok sa mga tao sa paggawa nito.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Tamil Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية النيبالية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan