+ -

عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما أنه سمع رسول الله صلى الله عليه وسلم ، يقول: «إنَّ قلوبَ بني آدم كلَّها بين إصبعين من أصابعِ الرحَّمن، كقلبٍ واحدٍ، يُصَرِّفُه حيث يشاء» ثم قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: «اللهم مُصَرِّفَ القلوبِ صَرِّفْ قلوبَنا على طاعتك».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Tunay na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na ibinabaling-baling Niya saan man Niya loloobin." Pagkatapos ay nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Allāhumma muṣarrifa -lqulūbi ṣarrif qulūbanā `alā ṭā`atik (O Allāh, ang tagapagbaling-baling ng mga puso, ibaling-baling Mo ang mga puso namin sa pagtalima sa Iyo)."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na si Allāh, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ay nagpapagalaw sa mga puso ng mga lingkod Niya at iba pa kung papaano Niyang loloobin. Walang anumang nakapipigil sa Kanya mula roon at hindi nakalulusot sa Kanya ang anumang ninais Niya. Ang mga puso ng mga tao, ang lahat ng mga ito, ay nasa pagitan ng mga daliri Niya, napakamaluwalhati Niya. Itinutuon Niya ang mga ito tungo sa anumang ninanais Niya sa mga tao alinsunod sa pagtatakdang itinadhana Niya sa kanila. Pagkatapos ay dumalangin ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O Allāh, ang tagapagbaling-baling ng mga puso, ibaling-baling Mo ang mga puso namin sa pagtalima sa Iyo." Nangangahulugan ito: "O tagapagpabago-bago ng mga puso, iharap Mo ang mga ito saan Mo man loobin, iharap Mo ang mga puso namin sa pagtalima sa Iyo, at patatagin Mo ang mga ito sa pagtalimang ito." Hindi ipinahihintulot na ipakahulugan ang mga daliri bilang lakas ni kakayahan ni iba pa rito, bagkus kinakailangang pagtibayin ito bilang isang katangiang ukol kay Allāh, pagkataas-taas Niya, nang walang paglilihis ng kahulugan, walang pag-aalis ng kahulugan, nang walang paglalarawan, at walang pagtutulad.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin