+ -

عن معاذ بن جبل رضي الله عنه قال: احتَبسَ عنَّا رسولُ الله صلى الله عليه وسلم ذات غداة من صلاة الصُّبح حتى كِدْنا نتراءى عينَ الشمس، فخرج سريعًا فثوَّب بالصلاة، فصلَّى رسول الله صلى الله عليه وسلم وتجوَّز في صلاته، فلمَّا سلَّم دعا بصوته فقال لنا: «على مَصَافِّكم كما أنتم» ثم انْفَتَل إلينا فقال: «أمَا إني سأحدِّثكم ما حبسني عنكم الغداة: إني قمتُ من الليل فتوضَّأت فصلَّيتُ ما قُدِّر لي فنعَستُ في صلاتي فاستثقلتُ، فإذا أنا بربي تبارك وتعالى في أحسن صورة، فقال: يا محمد قلت: لبَّيك ربِّ، قال: فيمَ يختصم الملأُ الأعلى؟ قلتُ: لا أدري ربِّ، قالها ثلاثا قال: «فرأيتُه وضع كفِّه بين كتفيَّ حتى وجدتُ بَردَ أنامله بين ثدييَّ، فتجلَّى لي كلُّ شيء وعرفتُ، فقال: يا محمد، قلتُ: لبَّيك ربِّ، قال: فيمَ يختصم الملأُ الأعلى؟ قلتُ: في الكَفَّارات، قال: ما هن؟ قلتُ: مشيُ الأقدام إلى الجماعات، والجلوسُ في المساجد بعد الصلوات، وإسباغُ الوضوء في المكروهات، قال: ثم فيمَ؟ قلت: إطعامُ الطعام، ولِينُ الكلام، والصلاةُ بالليل والناس نِيام. قال: سَلْ. قلت: اللهم إني أسألك فِعْلَ الخيرات، وتَرْكَ المنكرات، وحبَّ المساكين، وأن تغفر لي وترحمني، وإذا أردتَ فتنةً في قوم فتوفَّني غير مفتون، وأسألُك حبَّك وحبَّ مَن يحبُّك، وحبَّ عَمَلٍ يُقرِّب إلى حبِّك»، قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: «إنها حقٌّ فادرسوها ثم تعلَّموها».
[صحيح] - [رواه الترمذي وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nahadlangan sa amin ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang umaga sa dasal sa madaling-araw hanggang sa kami ay halos nakatatanaw sa mata ng araw kaya lumabas siya nang mabilis, at ipinasagawa ang iqāmah. Nagdasal ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagmadali siya sa dasal niya. Noong nakapagsabi siya ng salām, nanawagan siya sa pamamagitan ng tinig niya at nagsabi: "Manatili sa mga hanay ninyo kung nasaan kayo." Pagkatapos ay tumuon siya sa amin at nagsabi: "Makinig! Tunay na ako ay magsasaysay sa inyo ng humadlang sa akin sa inyo sa umagang ito. Tunay na ako ay bumangon sa gabi, nagsagawa ng wuḍū', at nagdasal ng ipinakaya sa akin ngunit nakaidlip sa dasal. Humimbing ang tulog ko at biglang ako ay nasa tabi ng Panginoon ko, mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya, sa pinakamagandang anyo. Nagsabi Siya: 'O Muḥammad.' Nagsabi ako: 'Tumutugon po sa Iyo, Panginoon ko.' Nagsabi Siya: 'Hinggil sa ano nagtatalo ang Pamunuang Kataas-taasan?' Nagsabi ako: 'Hindi ko po nalalaman, Panginoon ko.' Sinabi Niya ito nang makatatlo." Nagsabi siya: "At nakita ko Siyang naglagay ng palad Niya sa pagitan ng mga balikat ko hanggang sa naramdaman ko ang lamig ng mga dulo ng mga daliri Niya sa pagitan ng mga suso ko. Kaya nahayag sa akin ang bawat bagay at nalaman ko. Nagsabi Siya: 'O Muḥammad.' Nagsabi ako: 'Tumutugon po sa Iyo, Panginoon ko.' Nagsabi Siya: 'Hinggil sa ano nagtatalo ang Pamunuang Kataas-taasan?' Nagsabi ako: 'Hinggil sa mga panakip-sala po.' Nagsabi Siya: 'Ano sila.' Nagsabi ako: 'Ang paglalakad ng mga paa patungo sa mga kongregasyon, ang pag-upo sa mga masjid matapos ang mga dasal, at ang paglulubos sa wuḍū' sa mga kalagayang nakasusuklam.' Nagsabi Siya: 'Pagkatapos ay hinggil sa ano?' Nagsabi ako: 'Ang pagpapakain ng pagkain, ang pagkabanayad sa pagsasalita, at ang pagdarasal sa gabi samantalang ang mga tao ay tulog.' Nagsabi Siya: 'Humiling ka.' Nagsabi ako: 'O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paggawa ng mga kabutihan; humihiling sa Iyo ng pag-iwan sa mga nakasasama, pag-ibig sa mga dukha, na magpatawad Ka sa akin, maawa Ka sa akin, at kapag nagnais Ka ng isang ligalig sa mga tao, papanawin Mo ako nang hindi niligalig; at humihiling sa Iyo ng pag-ibig Mo, pag-ibig ng sinumang umiibig sa Iyo, at pag-ibig sa isang gawaing nagpapalapit sa pag-ibig Mo.'" Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ito ay totoo kaya pag-aralan ninyo ito, pagkatapos ay matuto kayo nito."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid ni Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, minsan isang araw, ay naantala sa paglabas sa kanila para sa dasal sa madaling-araw hanggang sa halos ang araw ay sumikat na. Lumabas siya sa kanila at ipinasagawa ang iqāmah. Namuno siya dasal sa kanila at pinagaan ito. Noong natapos siya sa dasal niya, ipinag-utos niya na manatili sila sa mga kinauupuan nila sa mga hanay. Pagkatapos ay ipinabatid niya sa kanila ang dahilan ng pagkahuli niya sa dasal sa madaling-araw. Siya ay bumangon sa gabi at nagsagawa ng wuḍū'. Pagkatapos ay nagdasal ng niloob ni Allāh na bilang ng mga rak`ah. Nakatulog siya sa dasal niya at nakita niya ang Panginoon niya, pagkataas-taas Niya, sa panaginip sa pinakamagandang anyo at tinanong siya hinggil sa kung ano ang pinag-uusapan ng mga inilapit na anghel. Kaya nagsabi sa Kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ko po nalalaman." Naganap ang tanong na ito at ang sagot na ito nang tatlong ulit. Inilagay ng Panginoon, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ang palad Niya sa pagitan ng mga balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hanggang sa nakadama ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng lamig ng mga daliri Niya, pagkataas-taas Niya, sa dibdib niya. Ang paglalarawan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa Panginoon niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ng anumang ipinanlarawan niya ay katotohanan at katapatan, na kinakailangan ang pananampalataya at ang paniniwala rito kung paanong inilarawan ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang sarili Niya, kalakip ng pagkakaila ng pagtutulad sa Kanya. Ang sinumang humirap sa kanya ang pag-unawa sa anuman doon at naghihinala roon ay magsabi ng gaya sa pagbubunyi ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa mga nag-uugat sa kaalaman. Nagpabatid Siya tungkol sa kanila na sila ay nagsasabi sa sandali ng pagkalito: "Sumasampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Huwag siyang magpanggap sa wala siyang kaalaman sapagkat kinatatakutan para sa kanya dahil doon ang pagkapahamak. Kaya sa tuwing nakarinig ang Mananampalataya ng isang bagay kabilang sa pananalitang ito ay nagsasabi sila: "Ito ang ipinabatid sa amin ni Allāh at ng Sugo ni Allāh. Nagsabi ng totoo si Allāh at ang Sugo Niya." Walang naidagdag sa kanila kundi pananampalataya at pagpapasakop. Noong inilagay ng Panginoon, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya, ang palad Niya sa pagitan ng mga balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nabunyag sa kanya ang bawat bagay at nalaman niya ang sagot. Nagsabi siya: "Nag-uusap sila, nagtatalakayan sila, at nagtatalo sila hinggil sa mga katangiang bahagi ng kalagayan ng mga ito na magtakip-sala sa kasalanan. Ang pagtatalo nila ay katumbas ng pagpapalitan nila ng pagkilala sa mga gawaing iyon at pag-aakyat sa mga ito sa langit o pag-uusap nila hinggil sa kalamangan ng mga ito at karangalan ng mga ito. Ang mga katangiang ito ay ang paglalakad papunta sa dasal sa kongregasyon; pag-upo sa masjid matapos ang mga dasal para sa dhikr, pagbabasa ng Qur'ān, pakikinig sa kaalaman at pagtuturo nito; at paglulubos sa wuḍū' at pagpapaabot niya sa mga bahagi ng katawang kailangang mabasa ayon sa Batas ng Islam sa mga kalagayang nasusuklam ang tao sa pagsasagawa ng wuḍū' gaya ng sa matinding lamig." Pagkatapos ay nagsabi sa kanya ang Panginoon: "Pagkatapos ay hinggil sa ano nagtatalo ang mga inilapit na anghel?" Nagsabi sa Kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Sa pagpapakain sa mga tao, pakikipag-usap sa mga tao sa pananalitang kaaya-aya at banayad, at pagdarasal sa pagbangon sa gabi samantalang ang mga tao ay natutulog." Nagsabi sa kanya ang Panginoon, napakamaluwalhati Niya: "Humiling ka sa Akin ng niloob mo." Hiniling sa Kanya ng Propeta na ituon siya sa paggawa ng bawat kabutihan, pag-iwan sa bawat kasamaan, na paibigin siya sa mga dukha at mga maralita, na magpatawad sa kanya, at maawa sa kanya; na kapag nagnais si Allāh na manligalig sa mga tao at maipaligaw sila palayo sa katotohanan ay papanawin siya nang hindi nililigalig ni naliligaw; na pagkalooban siya ng pag-ibig Niya, pag-ibig ng sinumang umiibig sa Kanya, at pag-ibig sa isang gawaing nagpapalapit sa pag-ibig Niya." Pagkatapos ay nagpabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa mga Kasamahan niya na ang panaginip na ito ay totoo at nag-utos siyang pag-aralan nila ito at matutunan ang mga kahulugan nito at ang mga panuntunan nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan