عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«نِعْمَتَانِ مَغْبُونٌ فِيهِمَا كَثِيرٌ مِنَ النَّاسِ: الصِّحَّةُ وَالفَرَاغُ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 6412]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"May dalawang biyaya na nagulangan sa dalawang ito ang marami sa mga tao: ang kalusugan at ang kawalang-gawain."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 6412]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang dakilang biyaya kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa tao, na nalulugi sa dalawang ito ang marami sa mga tao yayamang gumagamit sila nito sa hindi lugar nito. Tunay na ang tao, kapag natipon sa kanya ang biyaya ng kalusugan kasama ng kawalang-gawain, ay nananaig sa kanya ang katamaran sa pagtalima kaya siya ang nalulugi. Ito ay ang kalagayan ng higit na marami sa mga tao. Kung gumamit siya ng kawalang-gawain niya at kalusugan niya sa pagtalima kay Allāh, siya ang tutubo yayamang ang Mundo ay taniman ng Kabilang-buhay. Nasa Mundo ang espirituwal na pangangalakal na lilitaw ang tubo nito sa Kabilang-buhay. Ang kawalang-gawain ay susundan ng pagkaabala at ang kalusugan ay susundan ng karamdaman. Kung sakaling hindi nagkaroon kundi ng katandaan, talagang nakasapat na sana ito.