عن البراء بن عازب رضي الله عنه ، قال: خرجنا مع رسول الله صلى الله عليه وسلم في جنازة رجل من الأنصار، فانتهينا إلى القبر ولمَّا يُلْحَد، فجلس رسول الله صلى الله عليه وسلم وجلسنا حوله كأنما على رءوسنا الطير، وفي يده عود يَنكتُ به في الأرض، فرفع رأسه، فقال: «استعيذوا بالله من عذاب القبر» مرتين، أو ثلاثا، زاد في رواية: "وإنه ليسمع خَفْقَ نعالهم إذا وَلَّوا مُدْبِرين حين يقال له: يا هذا، من ربك؟ وما دينك؟ ومن نبيك؟" قال هناد: قال: "ويأتيه ملكان فيُجلِسانه فيقولان له: من ربك؟ فيقول: ربي الله، فيقولان له: ما دينك؟ فيقول: ديني الإسلام، فيقولان له: ما هذا الرجل الذي بُعث فيكم؟" قال: "فيقول: هو رسول الله صلى الله عليه وسلم ، فيقولان: وما يُدريك؟ فيقول: قرأتُ كتاب الله فآمنت به وصدقت، «زاد في حديث جرير» فذلك قول الله عز وجل {يُثَبِّتُ اللهُ الذين آمنوا} [إبراهيم: 27]" الآية -ثم اتفقا- قال: "فينادي مُناد من السماء: أن قد صدق عبدي، فأفرشوه من الجنة، وافتحوا له بابا إلى الجنة، وألبسوه من الجنة" قال: «فيأتيه من رَوْحها وطِيبها» قال: «ويُفتَح له فيها مدَّ بصره» قال: «وإن الكافر» فذكر موته قال: "وتُعاد روحه في جسده، ويأتيه ملكان فيُجلسانه فيقولان: له من ربُّك؟ فيقول: هَاهْ هَاهْ هَاهْ، لا أدري، فيقولان له: ما دينك؟ فيقول: هَاهْ هَاهْ، لا أدري، فيقولان: ما هذا الرجل الذي بُعث فيكم؟ فيقول: هَاهْ هَاهْ، لا أدري، فينادي مناد من السماء: أن كذب، فأفرشوه من النار، وألبسوه من النار، وافتحوا له بابا إلى النار" قال: «فيأتيه من حَرِّها وسَمُومها» قال: «ويُضيَّق عليه قبره حتى تختلف فيه أضلاعه» زاد في حديث جرير قال: «ثم يُقَيَّض له أعمى أَبْكَم معه مِرْزَبّة من حديد، لو ضُرب بها جبل لصار ترابا» قال: «فيضربه بها ضربة يسمعها ما بين المشرق والمغرب إلا الثَّقَلين، فيصير ترابا» قال: «ثم تُعاد فيه الروح».
[صحيح] - [رواه أبو داود وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Lumabas kami kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa libing ng isang lalaki mula sa Al-Ansar,dumating kami sa libingan nito nang hindi pa ito nailibing,umupo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at umupo kami sa palibot niya na para bang sa mga ulo namin ay may mga ibon,at sa kamay niya ay isang patpat na pamalo niya sa lupa,itinaas niya ang ulo niya at nagsabi siya ng: (( Magpakupkop kayo sa Allah mula sa kaparusahan ng libingan)) ng dalawang beses,o tatlo, Naidagdag sa salaysay na: " At tunay na naririnig niya ang mga yapak ng mga tsinelas nila kapag nagsitalikod sila para magsipag-uwian,at sa oras na iyon ay sasabihin sa kanya na: O ikaw! Sino ang panginoon mo,at ano ang relihiyon mo? at sino ang propeta mo? Nagsabi si Hunad: siya ay nagsabi: " At darating sa kanya ang dalawang Anghel,pauupuin siya at sasabihin nilang dalawa sa kanya: Sino ang panginoon mo?at sasabihin niyang: Si Allah ang panginoon ko, Sasabihin nilang dalawa: Ano ang relihiyon mo? At sasabihin niyang: Ang relihiyon ko ay ang Islam,at Sasabihin nilang dalawa: Sino ang lalaking ipinadala sa inyo? Nagsabi siya;" At sasabihin niyang: Siya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- At sasabihin nilang dalawa: At paano mo ito napag-alaman? Sasabihin naman niyang: Nabasa ko sa Aklat ni Allah,kaya nanampalataya ako rito at naniwala (( naidagdag sa Hadith ni Jarir)) At ito ang sinabi ni Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: { Pinagtitibay ni Allah ang yaong mga nananampalataya} [Ibrahim:27] ang talata,pagkatapos ay sumang-ayon silang dalawa: Nagsabi siya:" Mananawagan ang tagapanawagan sa kalangitan; Nanaging matatag ang lingkod ko,ilatag ninyo sa kanya ang mula sa paraiso at buksan ninyo para sa kanya ang pintuan ng paraiso,at isuot ninyo sa kanya [ang damit na] mula sa paraiso" Nagsabi siya: " At darating sa kanya ang halimuyak nito at ang bango nito)) Nagsabi siya: (( At bubuksan sa kanya ito sa abot ng matatanaw niya)) Nagsabi siya: (( At ang mga walang pananampalataya)) At binanggit niya ang kamatayan niya at nagsabi siya:" At ibabalik ang kaluluwa niya sa katawan niya,at darating sa kanya ang dalawang Anghel at pauupuin siya,sasabihin nilang dalawa sa kanya: Sino ang panginoon mo? at sasabihin niyang: Ha,ha.ha, hindi ko alam, at sasabihin naman nilang dalawa sa kanya: Ano ang relihiyon mo? at sasabihin niyang: Ha,ha.,Hindi ko alam,at sasabihin naman nilang dalawa sa kanya: Sino ang lalaking ipinadala sa inyo? at sasabihin niyang: Ha,ha.ha, hindi ko alam,at mananawagan ang tagapanawagan sa kalangitan: Na siya ay nagsinungaling,ilatag ninyo sa kanya ang mula sa Impiyerno at isuot ninyo sa kanya [ang damit na] mula sa Impiyerno at buksan ninyo para sa kanya ang pintuan ng Impiyerno" Nagsabi siya:(( Darating sa kanya ang init nito at ang init ng hangin nito)) Nagsabi siya:(( At magiging masikip para sa kanya ang puntod niya hanggang sa magkakapalit ang mga tadyang nito)) Naidagdag sa Hadith ni Jarir,siya ay nagsabi: ((Pagkatapos ay magtatalaga kami sa kanya ng isang [Anghel na] bulag at pepe at dala-dala niya ang isang bakal,at kapag ipinalo niya ito sa bundok ay magiging lupa)) Nagsabi siya: (( At papaluin siya gamit ito nang pagpalong maririnig sa silangan at kanluran,maliban sa tao at Jinn,dahil sila ay magiging lupa)) Nagsabi siya: (( Pagkatapos ay ibabalik sa kanya ang kaluluwa))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ikinukwento ni Al-Barrā' bin `Āzib, malugod si Allah sa kanya-na sila ay lumabas kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa libing ng isang lalaki mula sa [grupo ng] Al-Ansar,dumating sila sa puntod bago pa ito mailibing,umupo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at umupo rin sila sa palibot niya nang tahimik,at hindi sila nagsasalita dahil sa kadakilaan niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at sa kamay niya ay may kahoy ginagawa niyang pamalo sa lupa tulad ng ginagawa ng tagapag-isip na may inaalala, itinaas niya ang ulo niya at siya ay nagsabi: Humiling kayo sa Allah na lilayo Niya kayo at iligtas mula sa kaparusahan ng libingan.Sinabi niya ito ng dalawa o tatlong beses,Pagkatapos ay ipinaalam niya na ang patay ay naririnig niya tunog ng ng mga tsinelas na inilalakad kapag sila ay nagsi-alisan,At siya sa mga oras na yaon ay dumarating sa kanya ang dalawang Anghel at pauupuin siya,at sasabihin nilang dalawa sa kanya na:Sino ang panginoon mo? Sasabihin niyang: Si Allah ang panginoon ko,Sasabihin nilang dalawa sa kanya na:Ano ang relihiyon mo? Sasabihin niyang: Islam ang relihiyon ko,Sasabihin nilang dalawa sa kanya na:Sino ang lalaking ipinadala sa inyo? Sasabihin niyang: Siya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sasabihin nilang dalawa sa kanya na:At papaano mo iyon napag-alamaan? Sasabihin niyang:Nabasa ko sa Aklat ni Allah kaya nanampalataya ako rito at naniwala rito,.at ang nabibigkas ng dila niya sa mga sagot na nabanggit ay ang pagpapatatag na nilalaman ng sinabi Niya-pagkataas-taas Niya: { Si Allah ang magpapatatag sa mga sumasampalataya sa pamamagitan ng salitang matatag} [Ibrahim:27] Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:na mananawangan ang tagapanawagan sa kalangitan na: Naging tapat ang lingkod ko sa kanyang sinasabi,dahil siya sa panahon niya sa mundo ay sa ganitong paniniwala,kaya siya ay karapat-dapat sa pagpaparangal,kaya maglagay kayo sa kanya ng higaan mula sa higaan sa paraiso,at pasuutin ninyo siya ng damit mula sa paraiso,at buksan ninyo sa kanya ang pintuan sa paraiso,at bubuksan ito sa kanya at darating sa kanya ang halimuyak nito at simoy nitong mabango.at palalawakin sa kanya ang puntod niya sa lawak na abot tanaw ng paningin niya. Samantalang ang mga walang pananampalataya;binanggit niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kalagayan ng pagkamatay niya at paghihirap niya,at babalik ang kaluluwa niya pagkatapos mailibing ang katawan niya,at darating sa kanya ang dalawang Anghel,at pauupuin siya at sasabihin nilang dalawa sa kanya: Sino ang panginoon mo?Sasabihin niya habang siya ay nalilito: Ha,ha, Hindi ko alam, Sasabihin naman nilang dalawa sa kanya: Ano ang relihiyon mo? Sasabihin niyang: Ha.ha,hindi ko alam,At sasabihin nilang dalawa sa kanya: Ano ang masasabi mo sa karapatan ng lalaking ipinadala sa inyo,siya ba ay propeta o hindi? Sasabihin niyang: Ha,.ha, hindi ko alam, At mananawagan ang tagapanawagan sa kalangitan: Na siya ay nagsinungaling siya ay walang pananampalataya, dahil sa kawalan niya ng pananampalataya at pangtanggi niya na siyang dahilan ng mga sinabi niyang ito,At dahil sa ang relihiyon ni Allah-pagkataas-taas Niya at ang propesiya ni Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naging hayag sa silangang kalupaan at kanluran nito,maglagay kayo sa kanya ng higaan mula sa Impiyerno,at ipasuot ninyo sa kanya ang damit mula sa Impiyerno,at buksan ninyo sa kanya ang pintuan ng Impiyerno,darating sa kanya init ng Impiyerno,at magiging masikip para sa kanya ang puntod niya,hanggang sa magsasalungat ang mga tadyang niya at matatanggal sa ayos nito at pagkakapantay nito noon, pagkatapos ay ipapadala sa kanya ang isang Anghel na bulag at pepe,hindi nagsasalita at may dala-dalang malaking martilyo na yari sa bakal,at kapag ipinalo niya ito sa bundok ay magiging alabok,at papaluin siya gamit ito ng pagpalong maririnig ng lahat ng nasa pagitan ng silangan at kanluran maliban sa mga Jinn at tao dahil sila ay magiging alabok,pagkatapos ay ibabalik sa kanila ang kaluluwa upang matikman ang kaparusahan,at magpapatuloy ang pagpaparusa sa kanya puntod niya