+ -

عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه مرفوعاً: "ألا أخبركم بما هو أَخْوَفُ عليكم عندي من المسيح الدجال؟ قالوا: بلى يا رسول الله، قال: الشرك الخفي يقوم الرجل فيصلي فَيُزَيِّنُ صلاته لما يرَى من نَظَرِ رَجُلٍ".
[حسن] - [رواه ابن ماجه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo ng higit na pinangangambahan para sa inyo sa ganang akin kaysa sa Bulaang Kristo?" Nagsabi sila: "Opo, o Sugo ni Allah." Nagsabi siya: "Ang tagong shirk: Tumitindig ang tao at saka nagdarasal at pinagaganda ang dasal niya dahil sa nakikita niyang pagtingin ng isang tao."
[Maganda] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah]

Ang pagpapaliwanag

Ang mga Kasamahan noon ay nagbabanggitan ng tukso ng Bulaang Kristo at nangangamba roon kaya nagpabatid sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mayroong isang pag-iingatang pinangangambahan niya para sa kanila na higit na matindi kaysa sa pangamba sa tukso ng Bulaang Kristo. Ito ay ang shirk sa layunin at pakay, na hindi nahahayag sa mga tao. Pagkatapos ay ipinaliwanag niyang ito ay sa pamamagitan ng pagpapaganda sa gawaing hinahangad dapat dito ang ikalulugod ng Mukha ni Allah [ngunit ginagawa] dahil nakikita ng mga tao.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Portuges Swahili
Paglalahad ng mga salin