+ -

عن زيد مولى رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «من قال: أَسْتَغْفِرُ الله الذي لا إله إلا هو الحَيَّ القيَّومَ وأتوب إليه، غُفرت ذنوبه، وإن كان قد فَرَّ من الزَّحْف».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي]
المزيــد ...

Ayon kay Zayd, taga-pagtanggol ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Sinuman ang magsabi ng :Ako ay humuhingi ng Kapatawaran sa Allah,Na Wala ng ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya,Ang may Walang-hanggang buhay,Ang may Walang hanggang Kapangyarihan,At nagbabalik-loob ako sa Kanya)) Patatawarin ang mga kasalanan niya,;Kahit pa siya ay tumalikod [ sa oras ng pakikibaka sa landas ni Allah] sa Hukbong sandatahan [ng kalaban].))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

Ang pagpapaliwanag

Sinuman ang magsabi ng :Ako ay humuhingi ng Kapatawaran sa Allah,Na Wala ng ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya,Ang may Walang-hanggang buhay,Ang may Walang hanggang Kapangyarihan,At nagbabalik-loob ako sa Kanya)) Patatawarin sa kanya ang mga kasalanan niya,;Kahit pa siya ay tumalikod [sa oras ng pakikibaka sa landas ni Allah] sa mga Hindi mananampalataya.At kabilang sa napag-alaman na ang pagtalikod sa Hukbong Sandatahan ng kalaban ay isa sa mga Pitong malalaking kasalanan batay sa naisalaysay sa Hadith: ((Layuan ninyo ang Pitong malalaking kasalanan;at kabilang dito: Ang Pagtalikod [sa oras ng pakikibaka sa landas ni Allah] sa Hukbong sandatahan ng kalaban))At ang magiging kahulugan nito ay ang pagiging Matuwid [ sa landas ni Allah] Kapag ang tinutukoy nito ,na siya ay katotohanang nagbalik-loob sa Allah sa lahat ng kanyang kasalanan;kabilang rito ang:Pagtalikod [sa oras ng pakikibaka sa landas ni Allah] sa Hukbong sandatahan ng kalaban.Dahil kung ito ay pansamantalang paghihingi lamang ng Kapatawaran at ang Tao ay nananatili parin sa [paggawa] ng kasalanan,ito ay hindi nakakapag-bigay pakinabang.Sapagkat makakapag-bigay pakinabanag lamang ito kung ito ay may kasamanag Pagbabalik-loob sa Allah mula sa mga kasalanan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin