+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«لَيْسَ الشَّدِيدُ بِالصُّرَعَةِ، إِنَّمَا الشَّدِيدُ الَّذِي يَمْلِكُ نَفْسَهُ عِنْدَ الْغَضَبِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6114]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang matipuno ay hindi sa pagbuno; tanging ang matipuno ay ang nagpipigil ng sarili niya sa sandali ng pagkagalit."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6114]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tunay na lakas ay hindi ang lakas ng katawan o ang nakapagbubuno sa iba sa kanya kabilang sa malalakas. Tanging ang malakas na matipuno ay ang nakikibaka sa sarili niya at sumusupil dito kapag tumitindi rito ang galit dahil iyan ay nagpapatunay sa lakas ng pagkaya niya sa sarili niya at pananaig niya laban sa demonyo.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng pagtitimpi at pagkontrol sa sarili sa sandali ng pagkagalit, at na ito ay kabilang sa mga gawaing maayos na hinimok ng Islām.
  2. Ang pakikibaka sa sarili sa sandali ng pagkagalit ay higit na matindi kaysa sa pakikibaka sa kaaway.
  3. Ang pagpapaiba ng Islām sa konseptong pangkamangmangan ng lakas para maging mga kaasalang marangal, kaya naman ang pinakamatindi sa mga tao sa lakas ay ang sinumang nakakontrol sa renda ng sarili niya.
  4. Ang paglayo sa pagkagalit dahil sa idinadahilan nito na mga pinsala sa mga individuwal at lipunan.