عن أنس وأبي هريرة رضي الله عنهما مرفوعاً: «لا يُؤْمِنُ أحدُكم حتى أَكُونَ أَحَبَّ إليه مِن وَلَدِه، ووالِدِه، والناس أجمعين».
[صحيح] - [حديث أنس -رضي الله عنه-: متفق عليه.
حديث أبي هريرة -رضي الله عنه-: رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kina Anas at Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa anak niya, magulang niya, at mga tao sa kalahatan."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinababatid ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ḥadīth na ito na hindi nalulubos ang pananampalataya ng Muslim at hindi niya natatamo ang pananampalatayang ikapapasok niya sa Paraiso nang walang pagdurusa malibang unahin niya ang pag-ibig sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pag-ibig sa anak niya, magulang niya, at mga tao sa kalahatan. Iyon ay dahil sa ang pag-ibig sa Sugo ni Allāh ay nangangahulugang pag-ibig kay Allāh dahil ang Sugo ni Allāh ay ang tagapagparating buhat sa Kanya at ang tagapatnubay sa relihiyon Niya. Ang pag-ibig kay Allāh at sa Sugo niya ay hindi tutumpak malibang sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos ng Batas ng Islām at pag-iwas sa mga pagbabawal nito at hindi sa pamamagitan ng pagsambit ng mga tula, pagdaraos ng mga pagdiriwang, at pagpapatugtog ng mga awit.