عَنْ سَلْمَانَ الْفَارِسِيِّ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«ثَلَاثَةٌ لَا يُكَلِّمُهُمُ اللَّهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَلَا يُزَكِّيهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ: أُشَيْمِطٌ زَانٍ، وَعَائِلٌ مُسْتَكْبِرٌ، وَرَجُلٌ جَعَلَ اللَّهَ لَهُ بِضَاعَةً، فَلَا يَبِيعُ إِلَّا بِيَمِينِهِ وَلَا يَشْتَرِي إِلَّا بِيَمِينِهِ».
[صحيح] - [رواه الطبراني] - [المعجم الصغير: 821]
المزيــد ...
Ayon kay Salmān Al-Fārisīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"May tatlong hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon, hindi Siya magpapabusilak sa kanila, at ukol sa kanila ay isang masakit na pagdurusa: isang ubaning nangangalunya, isang naghihikahos na nagmamalaki, at isang lalaking gumawa kay Allāh bilang paninda niya sapagkat hindi siya bumibili malibang may panunumpa niya at hindi siya nagtitinda malibang may panunumpa niya."}
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Aṭ-Ṭabrānīy]
Nagpabatid ang Propeta (s) tungkol sa tatlong uri ng mga tao, na mga karapat-dapat sa parusa ni Allah sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng tatlong kaparusahan, kung hindi sila nagbalik-loob o hindi napatawad para sa kanila ang parusa: Ang Una: Hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon dahil sa tindi ng galit Niya, bagkus aayaw Siya sa kanila o kakausap Siya sa kanila sa isang usapang hindi magpapagalak sa kanila at magpapatunay sa pagkainis Niya sa kanila. Ang Ikalawa: Hindi Siya magpapabusilak sa kanila at hindi Siya magdadalisay sa kanila mula sa mga pagkakasala. Ang Ikatlo: Ukol sa kanila ay isang nakakasakit na matinding pagdurusa sa Kabilang-buhay. Ang mga uring ito ay ang sumusunod: Ang Unang Uri: Ang maralitang walang yaman at sa kabila niyon ay nagpapakamalaki sa mga tao. Ang Ikalawang Uri: Ang maralitang walang yaman at sa kabila niyon siya ay nagpapakamalaki sa mga tao. Ang Ikatlong Uri: Ang sinumang nagpapakarami sa panunumpa kay Allah sa pagtitinda at pagbili kaya nakahahamak sa ngalan ni Allah at gumagawa rito bilang isang kaparaanan sa pagkita ng salapi.