عَنْ أَنَسٍ رضي الله عنه قَالَ:
كَانَ أَكْثَرُ دُعَاءِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «اللَّهُمَّ رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً، وَفِي الآخِرَةِ حَسَنَةً، وَقِنَا عَذَابَ النَّارِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6389]
المزيــد ...
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang pinakamadalas na panalangin noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: "Allāhumma rabbanā ātinā fi –ddunyā ḥasanatan wa-fi –l’ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba –nnār. (O Allāh, Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda; at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)"}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6389]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapadalas ng pagdalangin ng mga malamang panalangin. Kabilang sa mga ito: "Allāhumma rabbanā ātinā fi –ddunyā ḥasanatan wa-fi –l’ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba –nnār. (O Allāh, Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda; at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)" Ito ay naglalaman ng maganda sa Mundo na panustos na kaiga-igayang malawak na ipinahihintulot, asawang maayos, anak na ikinagiginhawa ng mata, kapahingahan, kaalamang nagpapakinabang, gawaing maayos, at tulad nito kabilang sa mga kahilingang naiibigan at pinahihintulutan; at ng maganda sa Kabilang-buhay na kaligtasan mula sa mga kaparusahan sa libingan, tindigan (mawqif), at Impiyerno; pagtamo ng kaluguran ni Allāh, pagkamit ng Kaginhawahang mananatili, at pagkalapit sa Panginoong Maawain.