+ -

عَنْ زَيْدِ بْنِ أَرْقَمَ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ: لَا أَقُولُ لَكُمْ إِلَّا كَمَا كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ: كَانَ يَقُولُ:
«اللهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ مِنَ الْعَجْزِ وَالْكَسَلِ وَالْجُبْنِ وَالْبُخْلِ وَالْهَرَمِ وَعَذَابِ الْقَبْرِ، اللهُمَّ آتِ نَفْسِي تَقْوَاهَا، وَزَكِّهَا أَنْتَ خَيْرُ مَنْ زَكَّاهَا، أَنْتَ وَلِيُّهَا وَمَوْلَاهَا، اللهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ مِنْ عِلْمٍ لَا يَنْفَعُ، وَمِنْ قَلْبٍ لَا يَخْشَعُ، وَمِنْ نَفْسٍ لَا تَشْبَعُ، وَمِنْ دَعْوَةٍ لَا يُسْتَجَابُ لَهَا».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2722]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Zayd bin Arqam (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Hindi ako magsasabi sa inyo kundi gaya ng anumang ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi. Siya noon ay nagsasabi ng:
"Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi, wa-lkasali, wa-ljubni, wa-lbukhli, wa-lharami, wa `adhābi -lqabr. Allāhumma, ātī nafsī taqwāhā, wa-zakkihā anta khayru man zakkāḥā, anta walīyuhā wa-mawlāhā. Allāhumma, innī a`ūdhu bika min `ilmin lā yanfa`, wa-min qalbin lā yakhsha`, wa-min nafsin lā tashba`, wa-min da`watin lā yustajābu lahā. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, karamutan, pag-uulyanin, at pagdurusa sa libingan. O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko ng pangingilag magkasala nito at magpabusilak Ka nito: Ikaw ay pinakamabuti sa sinumang nagpabusilak dito; Ikaw ay ang Katangkilik nito at ang Mapagtangkilik dito. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kaalamang hindi nagpapakinabang, laban sa pusong hindi nagtataimtim, laban sa sariling hindi nabubusog, at laban sa panalanging hindi tinutugon.)"}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2722]

Ang pagpapaliwanag

Kabilang sa mga panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo" at dumudulog sa Iyo "laban sa kawalang-kakayahan," dahil sa pagkawala ng kakayahan sa kaparaanang nakapagpapakinabang, "katamaran," dahil sa pagkawala ng pagkakaroon ng pagnanais sa paggawa sapagkat ang nawalang-kakayahan ay hindi nakakaya ng kaparaanan at ang tamad ay hindi nagnanais nito, "karuwagan," dahil sa pagpipigil sa paglalakas-loob sa nararapat gawin, "karamutan," dahil sa pagkakait ng kinakailangang ipagkaloob, "pag-uulyanin" at katandaan ng edad na nauuwi sa paghina ng katawan, [at pagdurusa sa libingan" at mga kadahilanang humahantong doon. "O Allāh, magbigay Ka sa sarili ko," gumawad Ka rito, at magtuon Ka rito para sa "pangingilag magkasala nito" sa pamamagitan ng paggawa ng pagtalima at pagwaksi ng pagsuway, "at magpabusilak Ka nito" at magdalisay Ka nito mula sa mga bisyo mga kaasalang kahamak-hamak: "Ikaw ay pinakamabuti sa sinumang nagpabusilak nito" at walang tagapagpabusilak nito na isa man bukod sa Iyo; "Ikaw ay ang Katangkilik nito," ang Tagapag-adya nito, ang Tagapag-aruga nito, "at ang Mapagtangkilik dito," ang Tagatangkilik sa mga nauukol dito, ang Panginoon nito, ang Tagapagmay-ari nito, at ang Tagapagbiyaya nito. "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kaalamang hindi nagpapakinabang," gaya ng astrolohiya, panghuhula, at panggagaway, o anumang hindi magpapakinabang sa Kabilang-buhay, o kaalamang hindi ginagawa," laban sa pusong hindi nagtataimtim" sa Iyo, hindi nagpapakumbaba, hindi natatahimik, at hindi napapanatag sa pagkabanggit sa iyo, "laban sa sariling hindi nabubusog" at hindi nasisiyahan sa ibinigay Mo at itinustos Mo mula sa pinahihintulutang kaaya-aya, "at laban sa panalanging" tinatanggihang "hindi tinutugon."

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng paghiling ng pagkupkop laban sa mga bagay na nabanggit sa ḥadīth.
  2. Ang paghimok sa taqwā (pangingilag magkasala) at ang pagpapalaganap ng kaalaman at pagsasagawa nito.
  3. Ang kaalamang nagpapakinabang ay ang nagpapabusilak sa sarili at nagsasanhi rito ng pagkatakot sa Panginoon (napakamapagpala Siya at napakataas) para kumalat mula rito sa nalalabi sa mga bahagi ng katawan.
  4. Ang pusong nagtataimtim ay ang nangangamba at nababagabag sa sandali ng pagkabanggit kay Allāh pagkatapos lumalambot at napapanatag.
  5. Ang pagpula sa pagsisigasig sa kamunduhan at kawalan ng kabusugan sa mga ninanasa rito at minamasarap dito. Dahil doon, ang sariling masibang masigasig sa tinatamasa Mundo ay ang pinakakaaway sa mga kaaway ng tao. Dahil doon, humiling ng pagkupkop laban dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  6. Nararapat sa tao na magpahiwalay sa pagtanggi sa panalangin at kawalan ng pagtugon dito.
  7. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang ḥadīth na ito at ang iba pa rito kabilang sa mga panalanging tinugmaan (rhymed) ay isang patunay sa sinabi ng mga maalam na ang tugmang pinupulaan kaugnay sa panalangin ay ang ipinagkukunwari sapagkat tunay na ito ay nag-aalis ng kataimtiman, pagpapakumbaba, at pagpapakawagas, at nagpapalingat palayo sa pamamanhik, pagsusumamo, at pagkabukas ng puso. Hinggil naman sa nangyayaring walang pagkukunwari at pagpapagana ng isip para sa kakumpletuhan ng katatasan at tulad niyon, o naisasaulo, walang bale roon, bagkus iyon ay maganda.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin