عن أنس بن مالك رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«يَسِّرُوا وَلَا تُعَسِّرُوا، وَبَشِّرُوا وَلَا تُنَفِّرُوا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 69]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Magpadali kayo at huwag kayong magpahirap, at magpagalak kayo at huwag kayong magpalayo ng loob."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 69]
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapagaan at pagpapadali sa mga tao at hindi pagpapahirap sa kanila sa lahat ng mga nauukol sa Relihiyon at Mundo. Iyon ay sa mga hangganan ng ipinahintulot at isinabatas ni Allāh.
Humihimok siya ng pagpapagalak sa kanila sa pamamagitan ng kabutihan at hindi pagpapalayo ng loob nila rito.