عَنْ أَبِي مُوسَى رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَثَلُ الَّذِي يَذْكُرُ رَبَّهُ وَالَّذِي لاَ يَذْكُرُ رَبَّهُ، مَثَلُ الحَيِّ وَالمَيِّتِ»، ولفظ مسلم: «مَثَلُ الْبَيْتِ الَّذِي يُذْكَرُ اللهُ فِيهِ، وَالْبَيْتِ الَّذِي لَا يُذْكَرُ اللهُ فِيهِ، مَثَلُ الْحَيِّ وَالْمَيِّتِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6407]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang paghahalintulad sa umaalaala sa Panginoon niya at hindi umaalaala sa Panginoon niya ay tulad ng buhay at patay."} Sa pananalita ni Imām Muslim: {"Ang paghahalintulad sa bahay na inaalaala si Allāh doon at bahay na hindi inaalaala si Allāh doon ay tulad ng buhay at patay."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6407]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kaibahan sa pagitan ng umaalaala kay Allāh (napakataas Siya) at ng sinumang hindi umaalaala sa Kanya, na ito ay tulad ng kaibahan sa pagitan ng buhay at patay sa pagpapakinabang nito at kagandahan ng anyo nito. Ang paghahalintulad sa umaalaala sa Panginoon niya ay tulad ng buhay na ang panlabas nito ay nagagayakan ng liwanag ng buhay at ang panloob nito ay nagagayakan ng liwanag ng pagkakaalam at narito ang pakinabang. Ang paghahalintulad sa hindi umaalaala kay Allāh ay tulad ng patay na ang panlabas nito ay walang-silbi at ang panloob nito ay kabulaanan at wala ritong pakinabang.
Gayon din ang bahay, inilalarawan bilang buhay kung ang mga nakatira rito ay umaalaala kay Allāh at kung hindi naman ito ay isang bahay na patay dahil sa katamlayan ng mga nakatira rito sa pag-alaala kay Allāh. Kapag itinaguri ang buhay at ang patay sa paglalarawan ng bahay, tinutukoy lamang dito ang nakatira sa bahay.