+ -

عن عوف بن مالك الأشجعي رضي الله عنه قال: كنا عند رسول الله صلى الله عليه وسلم تسعة أو ثمانية أو سبعة، فقال: «ألا تُبايعون رسول الله صلى الله عليه وسلم ؟» وكنَّا حَدِيث عهد بِبَيْعة، فقلنا: قد بايَعْنَاك يا رسول الله، ثم قال: «ألا تُبايعون رسول الله» فبَسَطْنَا أيْدِينا، وقلنا: قد بَايَعْناك فَعَلَام نُبايِعُك؟ قال: «على أن تعبدوا الله ولا تشركوا به شيئًا، والصلوات الخمس وتطيعوا الله» وأَسَر كلمة خفيفة «ولا تسألوا الناس شيئًا» فلقد رأيت بعض أولئك النَّفرَ يسقط سَوطُ أحدهم فما يسأل أحدًا يناولُه إيَّاه.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay `Awf bin Mālik Al-Ashja`īy, malugod si Allah sa kanya: "Kami noon sa piling ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pito o walo o siyam at nagsabi siya: Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Kami noon ay mga bagong nangako ng katapatan kaya nagsabi kami: Nangako na kami ng katapatan sa iyo, o Sugo ni Allah. Pagkatapos ay nagsabi siya: Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allah. Kaya inabot namin ang mga kamay namin at sinabi namin: Nangako na kami ng katapatan sa iyo kaya sa ano kami mangangako ng katapatan sa iyo? Nagsabi siya: Sa [pangako] na sasamba kayo kay Allah, hindi kayo magtatambal sa Kanya ng anuman, [gagampanan] ang limang pagdarasal, at tatalima kayo kay Allah. Nagpahayag siya ng mahinang pangungusap: Huwag kayong manghingi sa mga tao ng anuman. Kaya talaga ngang nakakita ako sa ilan sa mga taong iyon na nalalaglag ang latigo ng isa sa kanila ngunit hindi humihiling sa isa man na iabot ito sa kanya."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ayon kay `Awf bin Mālik Al-Ashja`īy, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Kami noon ay nakaupo sa tabi ng Sugo ni Allah at nagsabi siya: Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allah. Kami noon ay mga bagong nangako ng katapatan. Ang pangako ng katapatang ito ay noong gabi ng `Aqabah, bago ang pangako ng katapatan sa paglikas at pangako ng katapatan sa pakikibaka at pagtitiis alang-alang dito. Kaya nagsabi kami: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo, o Sugo ni Allah." Ibig sabihin ay matapos ang unang sabi niya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allah." Idinagdag ni Abū Dāwud sa sanaysay niya matapos ang pagsabi nila ng: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo" ang "hanggang sa sinabi niya ito ng tatlong ulit." Ang sabi niya na: "Kaya inabot namin ang mga kamay namin" ay nangangahulugang: "inunat namin ang mga ito para mangako ng katapatan." Nagsabi kami: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo kaya sa ano kami mangangako ng katapatan sa iyo?" Ang "sa ano kami mangangako ng katapatan sa iyo" ay nangangahulugang sa aling gawain mangangako kami ng katapatan sa iyo ngayon? Nagsabi siya: "na sasambahin ninyo si Allah." Nangangahulugan ito na "nangangako kayo ng katapatan sa pagsambaka kay Allah, tanging Siya. Ibig sabihin ay mag-isa at ito ay kalagayang mula sa pagpipitagan." Ang "hindi kayo magtatambal sa Kanya ng anuman" ay nangangahulugang "ng itinatambal at mga sinasamba." Ang "[gagampanan] ang limang pagdarasal" ay nangangahulugang "dadasalin nino ang mga dasal" gaya ng nilinaw ni Abū Dāwud. Ang "tatalima kayo kay Allah" ay nangangahulugang "sa bawat ipinag-utos Niya sa inyo o pag-iwas ng anumang sinaway Niya sa inyo." Ang "Bumulong siya ng mahinang pangungusap" ay nangangahulugang ibinulong niya lamang ang pangungusap na ito at hindi kasama ang nauna rito dahil ang nauna rito ay pangakalahatang tagubilin ngunit ang pangungusap na ito ay natatangi sa ilan sa kanila. Ang ibig sabihin ng "pangungusap" ay ang literal na kahulugan. Ito ay ang pangungusap batay sa sabi niya: "Huwag kayong manghingi sa mga tao ng anuman." Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Ito ay isang pag-uudyok mula sa kanya sa mararangal na mga kaasalan, pagbata sa mga sumbat ng nilikha, pagpapalaki sa pagtitiis sa dalamhati ng mga pangangailangan, kalayaan sa pangangailangan sa mga tao, dangal ng kaluluwa. Ang "Kaya talaga ngang nakakita ako sa ilan sa mga taong iyon na nalalaglag ang latigo ng isa sa kanila ngunit hindi humihiling sa isa man na iabot ito sa kanya." ay tumutukoy sa paghingi sa mga tao ngunit ng salapi nila ngunit ipinakuhulugan nila ito sa pangkalahatang kahulugan nito. Ito ay tanda ng pagwaksi sa lahat ng tinatawag na hingi, kahit napakalait lamang. Ito ay paglilinaw sa gawain ng mga mabuting salaf na pinasusundan ang salita ng gawa at ipinatutupad ang kaalamang nakuha nila mula sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Isinaysay ni Imām Aḥmad ayon kay Abū Dharr: "Huwag ka ngang manghihingi sa isa man ng anuman, kahit pa man bumagsak ang latigo mo at huwag kang humawak ng ipinagkakatiwala."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan