عَن هَانِئ مَوْلَى عُثْمَانَ رَضيَ اللهُ عنهُ قَالَ: كَانَ عُثْمَانُ إِذَا وَقَفَ عَلَى قَبْرٍ بَكَى حَتَّى يَبُلَّ لِحْيَتَهُ، فَقِيلَ لَهُ: تُذْكَرُ الْجَنَّةُ وَالنَّارُ فَلَا تَبْكِي، وَتَبْكِي مِنْ هَذَا؟ فَقَالَ: إِنَّ رَسُولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم قَالَ:
«إِنَّ الْقَبْرَ أَوَّلُ مَنْزِلٍ مِنْ مَنَازِلِ الْآخِرَةِ، فَإِنْ نَجَا مِنْهُ فَمَا بَعْدَهُ أَيْسَرُ مِنْهُ، وَإِنْ لَمْ يَنْجُ مِنْهُ فَمَا بَعْدَهُ أَشَدُّ مِنْهُ».
[حسن] - [رواه الترمذي وابن ماجه] - [سنن الترمذي: 2308]
المزيــد ...
Ayon kay Hāni' na alila ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Si `Uthmān noon, kapag tumindig siya sa tabi ng isang libingan, ay umiiyak hanggang sa mabasa ang balbas niya, kaya sinabi sa kanya: "Naaalaala mo ang Paraiso at ang Impiyerno ngunit hindi ka umiiyak at umiiyak ka naman dahil dito?" Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
Tunay na ang libingan ay kauna-unahang yugto mula sa mga yugto ng Kabilang-buhay. Kaya kung nakaligtas mula rito, ang matapos nito ay higit na maginhawa kaysa rito; at kung hindi nakaligtas mula rito, ang matapos nito ay higit na matindi kaysa rito."}
[Maganda] - - [سنن الترمذي - 2308]
Ang pinuno ng mga mananampalataya na si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya), kapag tumindig siya sa tabi ng isang libingan, ay umiiyak hanggang sa mabasa ng mga luha niya ang balbas niya, kaya sinabi sa kanya: "Naaalaala mo ang Paraiso at ang Impiyerno ngunit hindi ka umiiyak sa pananabik sa Paraiso o sa pangamba sa Impiyerno at umiiyak ka naman dahil sa libingan?" Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpabatid na ang libingan ay kauna-unahan ng yugto mula sa mga yugto ng Kabilang-buhay. Kaya kung nakaligtas at nakalusot mula rito, ang matapos nito na mga yugto ay higit na maginhawa kaysa rito; at kung hindi nakaligtas mula sa pagdurusa rito, ang matapos nito na parusa ay higit na matindi kaysa sa anumang narito."