+ -

عن أنس رضي الله عنه قال: جاء ناس إلى النبي صلى الله عليه وسلم أن ابعث معنا رجالاً يعلمونا القرآن والسنة، فبعث إليهم سبعين رجلا ًمن الأنصار يقال لهم: القراء، فيهم خالي حَرامٌ، يقرؤون القرآن، ويتدارسون بالليل يتعلمون، وكانوا بالنهار يَجِيئُون بالماء، فيضعونه في المسجد، ويحتطبون فيبيعونه، ويشترون به الطعام لأهل الصُّفَّةِ، وللفقراء، فبعثهم النبي صلى الله عليه وسلم فَعَرَضُوا لهم فقتلوهم قبل أن يبلغوا المكان، فقالوا: اللهم بلَغِّ ْعَنَّا نبينا أنا قد لَقِينَاك فرضينا عنك ورَضِيتَ عَنَّا، وأتى رجلٌ حَرَاماً خال أنس من خلفه، فطعنه برُمْحٍ حتى أَنْفَذَهُ، فقال حَرَامٌ: فُزْتُ ورَبِّ الكعبة، فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إن إخوانكم قد قُتِلُوا وإنهم قالوا: اللهم بلغ عنا نبينا أنا قد لقيناك فرضينا عنك ورضيت عنا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: May dumating na mga tao sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsabi: "Magpadala ka kasama namin ng mga lalaking magtuturo sa amin ng Qur'ān at Sunnah." Kaya nagpadala siya sa kanila ng pitumpong lalaking kabilang sa Anṣār, na tinatawag silang ang mga tagabigkas. Kabilang sa kanila ang tiyuhin kong si Ḥarām. Bumibigkas sila ng Qur'ān. Nag-aaralan sila sa gabi upang matuto. Sila noon sa araw ay nagdadala ng tubig at inilalagay ito sa masjid. Nangangahoy sila at ipinagbibili ito. Ipinambibili nila ito ng pagkain para sa mga tao ng Ṣuffah at mga maralita. Ipinadala sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ngunit hinarang sila at pinatay sila bago sila nakarating sa lugar ngunit nagsabi sila [bago mamatay]: "O Allāh, iparating Mo para sa amin sa Propeta namin na kami ay nakatagpo na sa Iyo, at nalugod kami sa Iyo at nalugod Ka sa amin." May isang lalaking pumunta kay Ḥarām, ang tiyuhin ni Anas, mula sa likuran niya at sinaksak siya nito ng sibat hanggang sa napatagos nito sa kanya kaya nagsabi si Ḥarām: "Nagtagumpay ka, sumpa man sa Panginoon ng Ka`bah." Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ang mga kapatid ninyo ay napatay nga at tunay na sila ay nagsabi: O Allāh, iparating Mo para sa amin sa Propeta namin na kami ay nakatagpo na sa Iyo, at nalugod kami sa Iyo at nalugod Ka sa amin."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth: May isang delegasyon mula sa ilan sa mga lipi ng mga Arabe na pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Inangkin nilang sila ay yumakap sa Islām at hiniling nila sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na alalayan sila sa pamamagitan ng mga magtuturo sa kanila ng Qur'ān. Inalalayan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng pitumpong lalaki. Tinatawag silang ang mga tagabigkas. Iyon ay dahil sa dami ng nakuha nila sa Qur'ān. Sa kabila ng pagkaabala nila sa dalas ng pagbigkas ng Qur'ān, gayon pa man, iyon ay hindi nakahadlang sa kanila sa pagkamit ng ikabubuhay. Alinsunod dito, nagsabi si Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Sila noon sa araw ay nagdadala ng tubig at inilalagay ito sa masjid. Nangangahoy sila at ipinagbibili ito. Ipinambibili nila ito ng pagkain para sa mga tao ng Ṣuffah at mga maralita." Ang kahulugan nito ay na sila sa mga oras ng maghapon ay nag-iigib ng tubig at inilalagay ito sa masjid bilang alay sa sinumang nagnanais gumamit nito para sa pagdadalisay o inumin o iba pa sa mga ito. "Nangangahoy sila at ipinagbibili ito. Ipinambibili nila ito ng pagkain para sa mga tao ng Ṣuffah at mga maralita." Nangangahulugan ito: Nagtitipon sila ng panggatong, ipinagbibili nila ito, ipinambibili ito ng pagkain, at ikinakawanggawa nila ito sa mga maralita at kabilang sa kanila ang mga tao ng Ṣuffah, na isang lugar na hindi nakadugtong sa masjid, na nalililiman, na tinutuluyan nila sa magdamag. Pagkatapos tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpadala ng mga tagabigkas kasama ng mga taong humiling. Noong nanuluyan sila sa malapit sa balon ng Ma`ūnah, at iyon ay bago sila dumating sa sadya nila na tahanan ni Abū Barā' Ibnu Mulā`ib Al-Asinnah, nagsadya sa kanila si `Āmir bin Aṭ-Ṭufayl at may kasamang isang pangkat ng mga lalaki at kinalaban sila ng mga ito. Ang "O Allāh, iparating Mo para sa amin sa Propeta namin na kami ay nakatagpo na sa Kanya, at nalugod kami sa Kanya at nalugod Siya sa amin." Sa isang sanaysay naman: "Iparating ninyo sa mga tao namin na kami ay nakatagpo na sa Panginoon namin, nalugod Siya sa amin, at pinalugod Niya kami." Ipinabatid ni Jibrīl sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na sila ay nakatagpo na sa Panginoon nila, nalugod Siya sa kanila, at pinalugod Niya kami," gaya ng nasa sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ang mga kapatid ninyo ay napatay nga at tunay na sila ay nagsabi: O Allāh, iparating Mo para sa amin sa Propeta namin na kami ay nakatagpo na sa Iyo, at nalugod kami sa Iyo at nalugod Ka sa amin." Ang kahulugan ay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nalugod nga sa kanila dahil sa pagtalima nila at nalugod din sila sa kanya dahil sa ipinarangal Niya sa kanila, at ibinigay Niya sa kanila na mga kabutihan, pagkalugod mula sa Kanya, pagkataas-taas Niya, at pagbuhos ng kabutihan, kagandahang-loob, at awa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano
Paglalahad ng mga salin