عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إنكم لا تسعون الناس بأموالكم وَلْيَسَعُهُمْ منكم بَسْطُ الوجه وحسن الخلق».
[حسن لغيره] - [رواه الحاكم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na kayo ay hindi makapagpapasaya sa mga tao sa pamamagitan ng mga yaman ninyo, subalit pasayahin sila mula sa inyo ng kaaliwalasan ng mukha at kagandahan ng kaasalan."
[Maganda dahil sa iba pa rito] - [Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim]
Ang ḥadīth ay patunay sa kalamangan ng kaaliwalasan ng mukha, kasayahan nito at kagalakan nito sa pakikipagkita, at sa kalamangan ng kagandahan ng kaasalan, kagandahan ng pakikisama, at pakikitungo sa mga tao sa pamamagitan ng mabuting pananalita at maganang gawa. Ito ay makakaya ng bawat tao. Ang mga kaasalang ito ay ang umaakit sa pag-ibig at nagpapatagal sa bukluran ng mga kaanib ng lipunan.