+ -

عن سلمان رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «إن ربكم حَييٌّ كريم، يستحيي من عبده إذا رفع يديه إليه، أن يَرُدَّهُمَا صِفْراً».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه]
المزيــد ...

Ayon kay Salmān, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na ang Panginoon ninyo ay mahiyain, mapagbigay; nahihiya Siya sa lingkod Niya, kapag nag-angat ito ng mga kamay nito sa Kanya, na bigyan ang mga ito ng wala."
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

Ang pagpapaliwanag

Nagpatunay ang haditn na ito sa pagkaitinatagubilin ng pag-aangat ng mga kamay sa panalangin at na ang gawaing ito ay isa sa mga dahilan ng pagtugon [sa panalangin] dahil sa anyong ito ay may pagpapakita ng pangangailangan at pagpapakaaba ng tao harapan ng [Panginoong] mayaman na mapagbigay, at bilang optomismo na ilagay nawa sa mga kamay ang pangangailangan na hiniling sa Panginoon dahil Siya, napakamaluwalhati Niya, bahagi ng kagalantehan Niya at pagkamapagbigay Niya, ay nahihiya sa lingkod Niya, kapag nag-angat ito ng mga kamay nito, na bigyan ang mga ito ng wala, hungkag sa kaloob dahil Siya ang Mapagbigay-loob, ang Mapagbigay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Tamil Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الرومانية
Paglalahad ng mga salin