عن أبي يحيى خُرَيْم بن فَاتِك رضي الله عنه مرفوعاً: «مَنْ أَنْفَقَ نَفَقَةً في سَبِيل الله كُتب له سَبْعُمِائَةِ ضِعْفٍ».
[صحيح] - [رواه الترمذي والنسائي وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Yaḥyā Khuraym bin Fātik, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang gumugol ng isang gugulin sa landas ni Allāh, itatala para sa kanya ang pitong daan ulit."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ang sinumang gumugol ng kaunti o maraming gugulin sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, maging ito man ay sa pakikibaka sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, o sa iba pa rito na mga uri ng kabutihan at mga pagtalima, pag-iibayuhin ni Allāh para sa kanya ang gantimpala nang hanggang sa pitong daang ulit sa Araw ng Pagkabuhay.