عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رضي الله عنهما قَالَ: كَانَ مِنْ دُعَاءِ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«اللهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ مِنْ زَوَالِ نِعْمَتِكَ، وَتَحَوُّلِ عَافِيَتِكَ، وَفُجَاءَةِ نِقْمَتِكَ، وَجَمِيعِ سَخَطِكَ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2739]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Kabilang sa panalangin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Allāhumma innī a`ūdhu bika min zawāli ni`matika, wa-taḥawwuli `āfiyatika, wa-fujā'ati niqmatika, wa-jami`i sakhaṭik. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa paglaho ng biyaya Mo, pagbabagong-anyo ng kagalingang dulot Mo, pambibigla ng higanti Mo, at lahat ng inis Mo.)"}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2739]
Humiling ng pagkupkop ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa apat na bagay:
1. "Allāhumma innī a`ūdhu bika min zawāl ni`matika (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa paglaho ng biyaya Mo)" na panrelihiyon at pangmundo at na tumatag ako sa Islām at malayo ako sa pagkasadlak sa mga pagsuway na nag-aalis ng mga biyaya.
2. "wa-taḥawwuli `āfiyatika" (pagbabagong-anyo ng kagalingang dulot Mo)" sa pamamagitan ng pagpapalit nito para maging pagsubok kaya humihiling ako sa Iyo ng pamamalagi ng kagalingan at kaligtasan mula sa mga hapdi at mga karamdaman.
3. "wa-fujā'ati niqmatika (pambibigla ng higanti Mo) na pagsubok o kasawiang-palad sapagkat ang higanti at kaparusahan, kapag dumating nang biglaan at nang agaran, ay hindi magkakaroon ng panahon para sa pagbabalik-loob. Ang tinamaan nito ay naging higit na mabigat at higit na matindi.
4. "wa-jami`i sakhaṭik (at lahat ng inis Mo)" at mga kadahilanang nag-oobliga ng galit Mo sapagkat tunay na ang sinumang kinainisan Mo ay nabigo at nalugi nga.
Bumanggit nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng salitang panlahat upang sumaklaw ito sa lahat ng mga kadahilanan ng pagkainis ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na mga sabi, mga gawa, at mga paniniwala.