عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَمْرِو بْنِ الْعَاصِ رضي الله عنهما أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ يَدْعُو بِهَؤُلَاءِ الْكَلِمَاتِ:
«اللَّهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ مِنْ غَلَبَةِ الدَّيْنِ، وَغَلَبَةِ الْعَدُوِّ، وَشَمَاتَةِ الْأَعْدَاءِ».
[صحيح] - [رواه النسائي وأحمد] - [سنن النسائي: 5475]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalangin sa pamamagitan ng mga pangungusap na ito:
"Allāhumma innī a`ūdhu bika min ghalabati -ddayni wa-ghalabati -l`adūwi wa-shamātati -l'a`dā'. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pananaig ng utang, pananaig ng kaaway, at pagkagalak ng mga kaaway.)"}
[Tumpak] - - [سنن النسائي - 5475]
Humiling ng pagkupkop ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa ilang bagay:
1. "Allāhumma innī a`ūdhu (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop)," dumudulog, at nagpapakanlong "bika (sa Iyo)" hindi sa iba sa Iyo "min ghalabati -ddayni (laban sa pananaig ng utang)" panggagapi nito, bagabag nito, at pighati nito, at humihingi sa Iyo ng pagtulong sa pagtapos dito at pagbabayad nito.
2. "wa-ghalabati -l`adūwi" (pananaig ng kaaway)," panggagapi nito, at paghahari nito. Humihiling ako sa Iyo ng pagpigil sa perhuwisyo niya at pagwawagi laban sa kanya.
3. "wa-shamātati -l'a`dā' (at pagkagalak ng mga kaaway) at pagkagalak nila sa anumang dumadapo sa mga Muslim na pagsubok at kasawiang-palad.