عن عائشة رضي الله عنها أن رسول الله صلى الله عليه وسلم علمها هذا الدعاء: اللَّهُمَّ إني أسألك من الخير كله عَاجِلِهِ وآجِلِهِ، ما علمتُ منه وما لم أعلم، وأعوذ بك من الشر كله عَاجِلِهِ وآجِلِهِ، ما علمتُ منه وما لم أعلم، اللَّهُمَّ إني أسألك من خير ما سألك عبدُك ونبيُّك، وأعوذ بك من شر ما عَاذَ منه عبدُك ونبيُّك اللَّهُمَّ إني أسألك الجنة، وما قرب إليها من قول أو عمل، وأعوذ بك من النار، وما قرَّبَ إليها من قول أو عمل، وأسألك أن تجعل كل قضاء قَضَيْتَه لي خيرًا.
[صحيح] - [رواه ابن ماجه وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya- Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagturu sa kanya sa pananalanging ito:O Allah hinihiling ko sa Iyo ang lahat ng mabubuti maging ito man ay sa una o sa huli,Ang mga nalalaman ko rito at ang hindi ko nalalaman,At ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa lahat ng masasama,maging ito man sa una at sa huli,Ang mga nalalaman ko rito at ang hindi ko nalalaman.O Allah! hinihiling ko sa Iyo ang mabuti na tulad ng hiniling sa Iyo ng Iyong alipin at Propeta! O Allah! hinihiling ko sa Iyo ang Paraiso at ang mga salita at mga gawa na napapalapit dito,At ako ay nagpapakupkop mula sa Impiyerno,at sa mga salita ay gawa na nagpapakupkop dito.At hinihiling ko sa Iyo na gawin Mong mabuti ang aking kapalaran
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Tinuruan ng Propeta-pagpalin siya ni Allah at pangalagaan-si `Aishah malugod si Allah sa kanya-sa panalanging ito na siyang kabuuan ng mga salitang kapaki-pakinabang sa pangkalahatan [dahil sa napapaloob rito na] dalawang kabutihan sa Mundo at sa Kabilang-buhay.At ang pagpapakupkop sa mga kasamaan nito,at ang paghiling sa Paraiso at sa mga gawain nito [gawaing dahilan sa pagpasok rito],At ang Pagpapakupkop sa Impiyerno at sa mga gawain nito [gawaing dahilan sa pagpasok rito] at ang paghiling sa Allah na gawin Niya na ang lahat ng magiging Kapalaran ay Mabuti,At ang paghiling sa Allah-Kataas-taasan Siya- mula sa mga kabutihan na hiniling ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At Pagpapakupkop sa anumang ginawang pagpapakupkop mula rito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.