+ -

عن بريدة رضي الله عنه قال: سمع النبي صلى الله عليه وسلم رجلاً يقول: اللهم إني أسألك بأني أشهد أنك أنت الله لا إله إلا أنت، الأحد الصمد، الذي لم يلد، ولم يولد، ولم يكن له كفوًا أحد. فقال: «لقد سأل الله باسمه الذي إذا سُئِلَ به أعطى، وإذا دُعِيَ به أجاب»
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي وابن ماجه]
المزيــد ...

Ayon kay Buraydah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nakarinig ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang lalaking nagsasabi: "Allāhumma innī as'aluka bi'annī ashhadu annaka anta -llāhu lā ilāha illā anta -l'ahadu -ṣṣamadu -lladhī lam yalid wa lam yūlad wa lam yakul lahu kufuwan aḥad. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo yamang tunay na ako ay sumasaksi na Ikaw ay si Allāh: walang [totoong] Diyos kundi Ikaw, ang Iisa, ang Dulugan, na hindi nagkaanak at hindi ipinanganak at walang isa na sa Kanya ay naging kapantay.)" Kaya nagsabi siya: "Talaga ngang humiling ito kay kay Allāh sa pamamagitan ng ngalan Niyang kapag humiling sa pamamagitan nito ay nagbibigay Siya at kapag dumalangin sa pamamagitan nito ay tumutugon Siya."
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

Ang pagpapaliwanag

Ang dakilang panalanging ito na narinig ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang Arabeng disyertong iyon habang dumadalangin nito at nagsusumamo kay Allāh ay naglalaman ng pinakadakilang pangalan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, at sumasaklaw sa pananampalataya sa kaisahan ni Allāh: na Siya ay iisa, namumukod-tangi, dulugan, na hinihingan ng mga tao ng mga pangangailangan nila. Siya ay hindi nagkaanak dahil Siya ay walang katulad sa Kanya at dahil Siya ay walang pangangailangan sa bawat isa, hindi nagkaanak, at walang isang naging katulad sa Kanya. Hindi Siya nagkaroon ng isa mang nakatutulad sa Kanya sa sarili Niya ni sa mga katangian Niya ni sa mga gawa Niya. Ang mga dakilang kahulugang ito na siyang batayan at kinasasalalayan ay gumawa sa panalanging ito bilang pinakadakila sa mga uri ng mga panalangin. Walang taong dumalangin sa pamamagitan nito kay Allāh na hindi ibinigay sa kanya ang hiningi niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin