عَنْ جَرِيرِ بْنِ عَبْدِ اللهِ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ:
سَأَلْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَنْ نَظَرِ الْفُجَاءَةِ فَأَمَرَنِي أَنْ أَصْرِفَ بَصَرِي.
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2159]
المزيــد ...
Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tingin ng pagkabigla kaya nag-utos siya sa akin na magbaling ako ng paningin ko.}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2159]
Nagtanong si Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagkatingin ng lalaki sa babaing estranghera para sa kanya nang biglaan na walang pananadya. Nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kinakailangan sa kanya na maglihis ng mukha niya patungo sa ibang bahagi at ibang dako kaagad-agad matapos ng pagkaalam niya at walang kasalanan sa kanya.