+ -

عن بريدة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «حُرْمَةُ نساء المجاهدين على القَاعِدِين كَحُرْمَةِ أُمَّهَاتِهِم، ما من رَجُلٍ من القَاعِدِين يَخْلِف رجُلا من المجاهدين في أهله، فَيَخُونُهُ فيهم إلا وقَف له يوم القيامة، فيأخذ من حسناته ما شاء حتى يَرْضى» ثم التفت إلينا رسول الله صلى الله عليه وسلم فقال: «ما ظنَّكم؟».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Buraydah, malugod si Allah sa kanya: "Ang kabanalan ng mga maybahay ng mga nakikibaka para sa mga nananatili ay gaya ng kabanalan ng mga ina nila. Kapag may isang lalaking kabilang sa mga nananatili, na humalili sa isang lalaking kabilang sa mga nakikibaka, sa pangangalaga sa mag-anak nito at nagtaksil siya rito kaugnay sa kanila, tatayo siya sa harap nito sa Araw ng Pagkabuhay at kukuha ito mula sa mga magandang gawa niya ng anumang loloobin nito hanggang sa malugod ito." Pagkatapos ay lumingon sa amin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: "Ano ang palagay ninyo?"
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang pangunahing panuntunan ay na ang babaing hindi kaanu-ano ay ipinagbabawal sa mga lalaking hindi kaanu-ano. Nadaragdagan ito ng pagbabawal kaugnay sa mga maybahay ng mga nakikibakang lumisan para sa pakikibaka sa landas ni Allah, pagkataas-taas Niya, nag-iwan sa mga maybahay nila sa bahay nila, at ipinagkatiwala ang mga ito sa mga naninirahan. Ang isinasatungkulin sa mga pinagkakatiwalaan ay na mag-ingat sila na malabag ang mga dangal ng mga ito. Hindi sila gagawa ng pakikipagsarilinan ni pagtingin ni mahalay na pakikipag-usap dahil ang mga ito ay nasa kalagayang bawal lapastanganin gaya ng pagkabawal lapastanganin ng mga ina nila para sa kanila. Ito ay dahil sa ang mga nakikibaka ay nagtagubilin sa mga ibang tao na magsagawa ng kinakailangan para sa mga mag-anak nila. Nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na tungkulin ng tao na isagawa ang isinasatungkulin sa kanila at huwag siyang magtataksil sa kanila sa pamamagitan ng pagtingin ni pagtatangkang masadlak sa bagay na ipinagbabawal ni sa pagkukulang sa anumang hinihiling sa kanya na pangangalaga, pag-iingat, pagdudulot ng kabutihan sa kanila, at pagtataboy ng kapinsalaan palayo sa kanila. Ang "Kapag may isang lalaking kabilang sa mga nananatili, na humalili sa isang lalaking kabilang sa mga nakikibaka, sa pangangalaga sa mag-anak nito at nagtaksil siya rito kaugnay sa kanila, tatayo siya sa harap nito sa Araw ng Pagkabuhay at kukuha ito mula sa mga magandang gawa niya ng anumang loloobin nito hanggang sa malugod ito" ay nangangahulugang ang sinumang maglakas-loob na halayin ang mga maybahay ng mga nakikibaka sa panahong wala sila at nagtaksil sa kanila kaugnay sa mga maybahay niya, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay magpapanaig sa nakikibaka laban sa kanya at kukuha ang nakikibaka, mula sa mga magandang gawa ng nagtaksil, ng nanaisin nito hanggang sa masiyahan ito at malugod ang kalooban nito. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ano ang palagay ninyo?" Nangangahulugan ito: Kaya ano ang ipinagpapalagay ninyo sa pagkaibig ng nakikibaka sa pagkuha ng mga magandang gawa niyon at sa pagpaparami mula sa mga ito sa sandaling iyon? Nangangahulugan ito: walang matitira sa mga iyon malibang kinuha niya. Mirqāh Al-Mafātīḥ 6/2461, at Sharḥ Sunan Abī Dāwud Lil`Ibād, isang Kopyang Elektronika.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin