+ -

عن ابن مسعود رضي الله عنه مرفوعاً: «لَقِيْتُ إبراهيم ليلة أُسْرِيَ بي، فقال: يا محمد أقْرِىء أُمَّتَكَ مِنِّي السَّلام، وأَخْبِرْهُم أن الجنَّة طَيّبَةُ التُّربَة، عَذْبَةُ الماء، وأنها قِيعَانٌ وأن غِراسَها: سُبْحَان الله، والحمد لله، ولا إله إلا الله، والله أكبر».
[حسنه الشيخ الألباني في صحيح الجامع الصغير وزيادته، وضعفه في مشكاة المصابيح] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: "Nakatagpo ko si Abraham sa gabi ng pagpapalakbay sa akin [sa langit] at nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig, na ito ay malalawak na kapatagan, na ang mga tanim nito ay Subḥāna ­llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa ­llāhu, at Allāhu akbar. (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila.)"
Maganda - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nakatagpo niya si Abraham, sumakanya ang pangangalaga, sa gabi ng pagpapalakbay sa kanya at pagpapaakyat [sa langit]. Ipinabatid nito sa kanya na iparating ang pagbati sa kalipunan niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at ipabatid sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa. Nasaad sa ibang mga ḥadīth na ang lupa nito ay asapran gaya ng sa sanaysay ayon kay Imām At-Tirmidhīy nang tinanong ng mga kasamahan, malugod si Allāh sa kanila, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa Paraiso at nagsabi naman siya: "...at ang lupa nito ay asapran." Sa ganang kay Imām At-Tirmidhīy: "ang lupa nito ay ang wars at ang asapran." Ang "matamis ang tubig" ay nangangahulugang ang tubig nito ay matamis ang lasa gaya ng sinabi ni Allāh (Qur'ān 47:15): "mga ilog ng tubig na hindi nagbabago sa amoy at lasa." Nangangahulugan itong hindi nagbabago dahil sa kaalatan ni sa iba pang dahilan. Kapag ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa at matamis ang tubig, ang mga tanim ay higit na kaaya-aya lalo na at ang mga tanim ay natatamo sa pamamagitan ng mga salitang kaaya-aaya, ang mga mananatiling kaaya-aya. Ang "na ito ay malalawak na kapatagan" ay ang mga lugar na malawak at patag na lupa. Ang "mga tanim nito" ay nangangahulugang ang mga itinatanim sa malalawak na lupaing ito. Ang "Subḥāna ­llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa ­llāhu, at Allāhu akbar. (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila.)" ay nangangahulugang ang mga tanim nito ay ang mga salitang kaaya-aya: ang pagluluwalhati, ang pagpupuri, at ang pagpapahayag sa kaisahan ni Allāh. Ang bawat isang nagluwalhati kay Allāh o pumuri sa Kanya o nagpahayag sa kaisahan Niya ay tataniman ng isang puno ng datiles sa Paraiso.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha
Paglalahad ng mga salin