+ -

عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللهِ رضي الله عنهما أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«اتَّقُوا الظُّلْمَ، فَإِنَّ الظُّلْمَ ظُلُمَاتٌ يَوْمَ الْقِيَامَةِ، وَاتَّقُوا الشُّحَّ، فَإِنَّ الشُّحَّ أَهْلَكَ مَنْ كَانَ قَبْلَكُمْ، حَمَلَهُمْ عَلَى أَنْ سَفَكُوا دِمَاءَهُمْ وَاسْتَحَلُّوا مَحَارِمَهُمْ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2578]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Mangilag kayo sa kawalang-katarungan sapagkat tunay na ang kawalang-katarungan ay mga kadiliman sa Araw ng Pagbangon. Mangilag kayo sa kasakiman sapagkat tunay na ang kasakiman ay nagpasawi sa mga bago ninyo, na nagbuyo sa kanila na nagpadanak sila ng mga dugo nila at nagturing sila ng pagpapahintulot sa mga ipinagbawal sa kanila."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2578]

Ang pagpapaliwanag

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa kawalang-katarungan. Kabilang dito ang kawalang-katarungan sa mga tao, ang kawalang-katarungan sa sarili, at ang kawalang-katarungan sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya). Ito ay ang pagwawaksi ng pagbibigay sa bawat may karapatan ng karapatan nito. Ang kawalang-katarungan ay mga kadiliman sa mga tagagawa nito sa Araw ng Pagbangon, na pagtamo ng mga kasawiangpalad at mga hilakbot. Sumaway siya laban sa kasakiman na siyang katindihan ng karamutan kasabay ng pag-iimbot. Kabilang dito ang pagkukulang sa pagganap sa mga karapatang pampananalapi at ang katindihan ng pag-iimbot sa kamunduhan. Ang uring ito ng kawalang-katarungan ay nagpasawi sa mga bago natin na mga kalipunan yayamang nagbuyo ito sa kanila sa pagpatay sa iba sa kanila at pagpayag sa ipinagbawal ni Allāh na mga ipinagbabawal.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkakaloob ng salapi at ang pakikiramay sa mga kapatid ay kabilang sa mga kadahilanan ng pag-iibigan at pag-uugnayan.
  2. Ang karamutan at ang kasakiman ay humihila tungo sa mga pagsuway, mga gawaing mahalay, at mga kasalanan.
  3. Ang pagsasaalang-alang sa mga kalagayan ng mga naunang kalipunan.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin