+ -

عن ابن عباس رضي الله عنهما مرفوعاً: «عَيْنَانِ لاَ تَمسُّهُمَا النَّار: عَيْنٌ بَكَتْ من خَشْيَة الله، وعَيْنٌ بَاتَت تَحْرُسُ في سَبِيل الله».
[صحيح] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...

Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "May dalawang matang hindi hihipuin ng Apoy: matang umiyak dahil sa takot kay Allāh at matang nagpamagdamag na nagtatanod alang-alang sa landas ni Allāh."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth ay na ang apoy ay hindi sasaling sa isang matang umiyak dahil sa takot kay Allāh, pagkataas-taas Niya, sapagkat kapag inaalaala ng tao ang kadakilaan ni Allāh at ang kapangyarihan Niya sa mga lingkod Niya at inaalaala niya ang kalagayan niya at ang pagkukulang niya sa karapatan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, at naiyak siya bilang pagmimithi sa awa Niya at takot sa parusa Niya at pagkainis Niya, ang taong ito ay pinangangakuan ng kaligtasan mula sa Impiyerno. May isa pang matang hindi sasalingin ng apoy. Ito ay ang nagpamagdamag na nagtatanod alang-alang sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa mga hangganan at mga lugar ng pakikipaglaban bilang pangangalaga sa mga buhay ng mga Muslim. Ang sabi niyang: "May dalawang matang hindi hihipuin ng Apoy," ito ay ang paggamit ng isang kataga para sa bahagi gayong ang tinutukoy ay ang kabuuan. Ang ninanais sabihin: Na ang sinumang umiyak dahil sa takot kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at ang sinumang nagpamagdamag na nagtatanod alang-alang sa landas ni Allāh, tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay magkakait sa katawan niya sa Apoy.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges Swahili
Paglalahad ng mga salin