عَنْ مَعْدَانَ بْنِ أَبِي طَلْحَةَ الْيَعْمَرِيُّ قَالَ:
لَقِيتُ ثَوْبَانَ مَوْلَى رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقُلْتُ: أَخْبِرْنِي بِعَمَلٍ أَعْمَلُهُ يُدْخِلُنِي اللهُ بِهِ الْجَنَّةَ؟ أَوْ قَالَ قُلْتُ: بِأَحَبِّ الْأَعْمَالِ إِلَى اللهِ، فَسَكَتَ. ثُمَّ سَأَلْتُهُ فَسَكَتَ. ثُمَّ سَأَلْتُهُ الثَّالِثَةَ فَقَالَ: سَأَلْتُ عَنْ ذَلِكَ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ: «عَلَيْكَ بِكَثْرَةِ السُّجُودِ لِلَّهِ، فَإِنَّكَ لَا تَسْجُدُ لِلَّهِ سَجْدَةً، إِلَّا رَفَعَكَ اللهُ بِهَا دَرَجَةً، وَحَطَّ عَنْكَ بِهَا خَطِيئَةً» قَالَ مَعْدَانُ: ثُمَّ لَقِيتُ أَبَا الدَّرْدَاءِ فَسَأَلْتُهُ فَقَالَ لِي: مِثْلَ مَا قَالَ لِي: ثَوْبَانُ.
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 488]
المزيــد ...
Ayon kay Ma`dān bin Abī Ṭalḥah Al-Ya`marīy na nagsabi:
{Nakatagpo ko si Thawbān na alila ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ako: "Magpabatid ka sa akin ng isang gawaing gagawin ko, na magpapapasok sa akin si Allāh dahil dito sa Paraiso." O nagsabi ako: "Hinggil sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh." Nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya saka nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya sa ikatlong pagkakataon saka nagsabi siya: "Nagtanong ako tungkol doon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: 'Mamalagi ka sa dami ng pagpapatirapa kay Allāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpapatirapa ng isang pagpapatirapa malibang mag-aangat sa iyo si Allāh dahil dito ng isang antas at magbababa Siya buhat sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali.'" Nagsabi si Ma`dān: "Pagkatapos nakatagpo si Abu Ad-Dardā' saka nagtanong ako sa kanya saka nagsabi naman siya sa akin ng tulad sa sinabi sa akin ni Thawbān."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 488]
Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa gawain na magiging isang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso o tungkol sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh.
Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tagapagtanong: "Manatili ka sa dami ng pagpapatirapa sa ṣalāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpatirapa kay Allāh ng isang pagpapatirapa malibang nag-angat Siya sa iyo dahil dito ng isang antas at nagpatawad sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali."