+ -

عن سهل بن سعد رضي الله عنهما مرفوعاً: «ثنتان لا تُرَدَّانِ، أو قلما تردان: الدعاء عند النداء وعند البأس حِينَ يُلْحِمُ بَعْضُهُ بَعْضًا».
[صحيح] - [رواه أبو داود]
المزيــد ...

Ayon kay Sahl bin Sa`d, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "May dalawang [panalanging] hindi tinatanggihan o madalang tinatanggihan: ang panalangin sa sandali ng panawagan [sa ṣalāh] at sa sandali ng tindi ng labanan nang nagdidikit [na ang magkalaban] sa isa't isa."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

Ang pagpapaliwanag

May [nasaad] sa ḥadīth na ito na isang paglilinaw sa kalamangan ng Pakikibaka alang-alang sa landas ni Allāh yamang tintutugon ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ang panalangin ng mga nakikibaka habang ito ay nasa labananan. May [nasaad] din dito na isang paglilinaw sa kalamangan ng adhān yamang tinutugon ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ang panalangin ng Muslim sa sandali ng adhān at hanggang sa iqāmah ng ṣalāh.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Tamil
Paglalahad ng mga salin