+ -

عن أبي أمامة رضي الله عنه : أن رجلا، قال: يا رسول الله، ائذن لي في السياحة. فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «إن سياحة أمتي الجهاد في سبيل الله عز وجل ».
[صحيح] - [رواه أبو داود]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "May isang lalaki na nagsabi: O Sugo ni Allāh, ipahintulot mo po sa akin ang paggala. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na ang paggala ng Kalipunan ko ay ang Pakikibaka sa landas ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

Ang pagpapaliwanag

YYYSa ḥadīth na ito ay may paglilinaw na ang mga pagsamba ay tawqīfīy (nakaalinsunod sa teksto ng Qur'ān o Ḥadīth) at na hindi ipinahihintulot sa Muslim ang pagsasagawa ng mga ito malibang alinsunod sa pamamaraang itinatakda ng Batas ng Islām. Dahil doon, nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa lalaking ito na nagnanais na gumala sa mundo alang-alang sa pagsamba na ito ay bahagi ng gawain ng mga Kristiyano, na ang paggala sa mundo ay dapat sa pagpapalaganap ng Islām, at na ang paggala ng mga alagad ng Islām ay ang pakikibaka sa landas ni Allāh para itaas ang Relihiyon ni Allāh.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Hausa
Paglalahad ng mga salin