عن أنس رضي الله عنه : أن رسول الله صلى الله عليه وسلم دخل على ابنه إبراهيم رضي الله عنه وهو يجود بنفسه، فجعلت عينا رسول الله صلى الله عليه وسلم تذرفان. فقال له عبد الرحمن بن عوف: وأنت يا رسول الله؟! فقال: «يا ابن عوف إنها رحمة» ثم أتبعها بأخرى، فقال: «إن العين تدمع والقلب يحزن، ولا نقول إلا ما يرضي ربنا، وإنا لفراقك يا إبراهيم لمحزونون».
[صحيح] - [رواه البخاري وروى مسلم بعضه]
المزيــد ...
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok sa silid ng anak niyang si Ibrāhīm, malugod si Allah sa kanya, samantalang ito ay nagpapalabas ng hininga nito. Nagsimula ang mga mata ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na lumuha kaya nagsabi sa kanya si `Abdurraḥmān bin `Awf: "At ikaw, o Sugo ni Allah, ay umiiyak?" Nagsabi siya: "O anak ni `Awf, tunay na ito ay awa." Pagkatapos ay pinasundan niya ito ng isa pang pag-iyak at nagsabi: "Tunay na ang mata ay lumuluha at ang puso ay nalulungkot. Hindi tayo nagsasabi malibang ang kinululugdan ng Panginoon. Tunay na kami, o Ibrāhīm, dahil sa pakikipaghiwalay sa iyo, ay talagang mga nalulungkot."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Pumasok ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa silid ng anak niyang si Ibrāhīm, malugod si Allah sa kanya, habang ito ay naghihingalo. Nagsimula ang mga mata ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na lumuha kaya nagsabi sa kanya si `Abdurraḥmān bin `Awf: "At ikaw, o Sugo ni Allah" dala ng pagkagulat. Ibig sabihin: ang mga tao ay hindi nakapagtitiis sa kasawian at ikaw ay gumagawa ng ginagawa nila? Para bang ito ay nagtataka dahil doon sa kanya kalakip ng pagkakaalam nito sa kanya na siya ay nag-uudyok sa pagtitiis at nagbabawal sa pagkabagabag kaya sumagot siya sa pamamagitan ng sabi niya: "Tunay na ito ay awa." Ibig sabihin: Ang kalagayang nasaksihan mo mula sa akin ay kalambutan ng puso sa anak. Pagkatapos ay pinasundan niya ito ng isa pang pangungusap at nagsabi siya: "Tunay na ang mata ay lumuluha at ang puso ay nalulungkot. Hindi tayo nagsasabi malibang ang kinululugdan ng Panginoon." Ibig sabihin: hindi kami nagngingitngit at nagtitiis kami. "Tunay na kami, o Ibrāhīm, dahil sa pakikipaghiwalay sa iyo, ay talagang mga nalulungkot." Ang awa ay hindi nagkakaila sa pagtitiis at pananampalataya sa pagtatakda.