عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لاَ تَقُومُ السَّاعَةُ حَتَّى يَمُرَّ الرَّجُلُ بِقَبْرِ الرَّجُلِ فَيَقُولُ: يَا لَيْتَنِي مَكَانَهُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 7115]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa mapadaan ang lalaki sa libingan ng [ibang] lalaki saka magsasabi siya: O kung sana ako ay nasa lugar niya!"}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 7115]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Huling Sandali ay hindi sasapit hanggang sa mapadaan ang lalaki sa libingan saka magmimithi siya na maging isang patay sa lugar nito. Ang kadahilanan ay ang pangamba niya para sa sarili niya sa paglaho ng Relihiyon niya dahil sa pananaig ng kabulaanan at mga kampon nito at paglitaw ng mga sigalot, mga pagsuway, at mga nakasasama.