+ -

عَنْ أَنَسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: لَأُحَدِّثَنَّكُمْ حَدِيثًا سَمِعْتُهُ مِنْ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ لاَ يُحَدِّثُكُمْ بِهِ أَحَدٌ غَيْرِي: سَمِعْتُ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«إِنَّ مِنْ أَشْرَاطِ السَّاعَةِ أَنْ يُرْفَعَ العِلْمُ، وَيَكْثُرَ الجَهْلُ، وَيَكْثُرَ الزِّنَا، وَيَكْثُرَ شُرْبُ الخَمْرِ، وَيَقِلَّ الرِّجَالُ، وَيَكْثُرَ النِّسَاءُ حَتَّى يَكُونَ لِخَمْسِينَ امْرَأَةً القَيِّمُ الوَاحِدُ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5231]
المزيــد ...

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Talagang magsasanaysay nga ako sa inyo ng isang sanaysay na narinig ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na walang magsasanaysay sa inyo nito na isang iba pa sa akin. Narinig ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Tunay na kabilang sa mga tanda ng Huling Sandali na mapawi ang kaalaman, dumami ang pagkamangmang, dumami ang pangangalunya, dumami ang pag-inom ng alak, mangaunti ang mga lalaki, at dumami ang mga babae hanggang sa maging para sa limampung babae ang nag-iisang lalaking tagapagtaguyod."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5231]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga palatandaan ng paglapit ng pagsapit ng Huling Sandali na mapawi ang kaalaman sa Batas ng Islām, na iyon ay dahil sa pagkamatay ng mga maaalam. Ang resulta niyon ay darami at lalaganap ang pagkamangmang, lalaganap ang pangangalunya at ang kahalayan, darami ang pag-inom ng alak, at mangangaunti ang bilang ng lalaki at madaragdagan ang bilang ng mga babae hanggang sa tunay na magkaroon para sa limampung babae ng iisang lalaking magtataguyod sa mga nauukol sa kanila at babalikat sa mga kapakanan nila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa ilan sa mga palatandaan ng Huling Sandali.
  2. Ang kaalaman sa oras ng Huling Sandali ay kabilang sa mga bagay na pangnakalingid na sinolo ni Allāh.
  3. Ang paghimok sa pagkatuto ng kaalamang pambatas na Islāmiko bago ng pagkawala nito.
Ang karagdagan