عَنْ عَائِشَةَ رضي الله عنها قَالَتْ:
كَانَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَسْتَحِبُّ الْجَوَامِعَ مِنَ الدُّعَاءِ، وَيَدَعُ مَا سِوَى ذَلِكَ.
[صحيح] - [رواه أبو داود وأحمد] - [سنن أبي داود: 1482]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasakaibig-ibig ng mga masaklaw na panalangin at nag-iiwan ng bukod pa roon.}
[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 1482]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasakaibig-ibig sa mga panalanging sumasaklaw sa kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay, kabilang sa anumang ang pananalita nito ay kakaunti at ang kahulugan nito ay marami. Nasaad dito ang pagbubunyi kay Allāh (napakataas Siya) at ang mga maayos na layon. Nag-iiwan siya ng anumang iba pa roon.