+ -

عَنِ العَبَّاسِ بْنِ عَبْدِ الْمُطَّلِبِ رَضيَ اللهُ عنهُ قَالَ:
قُلْتُ: يَا رَسُولَ اللهِ، عَلِّمْنِي شَيْئًا أَسْأَلُهُ اللَّهَ عَزَّ وَجَلَّ. قَالَ: «سَلِ اللَّهَ العَافِيَةَ»، فَمَكَثْتُ أَيَّامًا ثُمَّ جِئْتُ فَقُلْتُ: يَا رَسُولَ اللهِ، عَلِّمْنِي شَيْئًا أَسْأَلُهُ اللَّهَ. فَقَالَ لِي: «يَا عَبَّاسُ، يَا عَمَّ رَسُولِ اللهِ، سَلِ اللَّهَ العَافِيَةَ فِي الدُّنْيَا وَالآخِرَةِ».

[صحيح لغيره] - [رواه الترمذي وأحمد] - [سنن الترمذي: 3514]
المزيــد ...

Ayon kay Al-`Abbās bin `Abdilmuṭṭalib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magturo ka sa akin ng isang bagay na hihingin ko kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)." Nagsabi siya: "Hingin mo kay Allāh ang kagalingan." Kaya tumigil ako nang ilang araw, pagkatapos pumunta ako saka nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magturo ka sa akin ng isang bagay na hihilingin ko kay Allāh." Kaya nagsabi siya sa akin: "O `Abbās, O tiyuhin ng Sugo ni Allāh, hingin mo kay Allāh ang kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay."}

[Tumpak dahil sa iba pa rito] - - [سنن الترمذي - 3514]

Ang pagpapaliwanag

Humiling si Al-`Abbās bin `Abdilmuṭṭalib (malugod si Allāh dito) na tiyuhin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magturo siya rito ng isang panalanging hihiling ito kay Allāh niyon. Kaya nagturo rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hilingin nito kay Allāh ang kagalingan at ang kaligtasan mula sa mga salot at mga kapintasan sa buhay panrelihiyon, pangmundo at pangkabilang-buhay. Nagsabi si Al-`Abbās: "Matapos ng ilang araw, bumalik ako sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa muli, na humihiling sa kanya na magturo siya sa akin ng isang panalanging hihiling ako niyon mula kay Allāh." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) rito habang naglalambing dito: "O `Abbās, O tiyuhin ng Sugo ni Allāh, hilingin mo kay Allāh ang kagalingan para sa pagtulak sa bawat pinsala at paghatak sa bawat kabutihan at pakinabang sa Mundo at Kabilang-buhay."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الرومانية Luqadda malgaashka
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pag-uulit-ulit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mismong pagsagot kay `Abbās nang nagtanong ito sa kanya sa ikalawang pagkakataon ay nagpapatunay na ang kagalingan ay ang pinakamabuti na hihilingin ng tao sa Panginoon niya.
  2. Ang paglilinaw sa kainaman ng kagalingan at na narito ang kinasalalayan ng kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay.
  3. Ang sigasig ng mga Kasamahan (ang kaluguran ni Allāh ay sumakanila) sa pagpapadagdag ng kaalaman at kabutihan.