+ -

عَنْ ‌عَائِشَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهَا قَالَتْ:
تَلَا رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ هَذِهِ الْآيَةَ: {هُوَ الَّذِي أَنْزَلَ عَلَيْكَ الْكِتَابَ مِنْهُ آيَاتٌ مُحْكَمَاتٌ هُنَّ أُمُّ الْكِتَابِ وَأُخَرُ مُتَشَابِهَاتٌ فَأَمَّا الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ زَيْغٌ فَيَتَّبِعُونَ مَا تَشَابَهَ مِنْهُ ابْتِغَاءَ الْفِتْنَةِ وَابْتِغَاءَ تَأْوِيلِهِ، وَمَا يَعْلَمُ تَأْوِيلَهُ إِلَّا اللَّهُ، وَالرَّاسِخُونَ فِي الْعِلْمِ يَقُولُونَ آمَنَّا بِهِ كُلٌّ مِنْ عِنْدِ رَبِّنَا وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّا أُولُو الْأَلْبَابِ} [آل عمران: 7]. قَالَتْ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «فَإِذَا رَأَيْتِ الَّذِينَ يَتَّبِعُونَ مَا تَشَابَهَ مِنْهُ فَأُولَئِكَ الَّذِينَ سَمَّى اللهُ، فَاحْذَرُوهُمْ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 4547]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Binigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang talatang ito (Qur'ān 3:7): {Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; mula rito ay may mga talatang isinatahasan; na ang mga ito ay ang saligan ng Aklat, at may mga ibang pinatalinghaga. Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagbibigay-pakahulugan dito samantalang walang nakaaalam sa pagbibigay-pakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.}" Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya kapag nakita mo ang mga sumusunod sa anumang tumalinghaga mula rito, ang mga iyon ay ang mga tinukoy ni Allāh kaya mag-ingat kayo sa kanila."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 4547]

Ang pagpapaliwanag

Binigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang talatang ito (Qur'ān 3:7): {Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; mula rito ay may mga talatang isinatahasan; na ang mga ito ay ang saligan ng Aklat, at may mga ibang pinatalinghaga. Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagbibigay-pakahulugan dito samantalang walang nakaaalam sa pagbibigay-pakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.}" Dito ay nagpabatid si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) na Siya ay ang nagpababa sa Propeta Niya ng Qur'ān, na mula rito ang mga talatang maliwanag ang pakahulugan, na nalalaman ang mga patakaran: walang pagkalito sa mga ito. Ang mga ito ay saligan ng Aklat at sanggunian nito. Ang mga ito ay ang sanggunian sa sandali ng pagkakaiba-iba. Mayroon dito na mga ibang talatang nagsasaposibilidad ng higit sa isang kahulugan, na nakalilito ang kahulugan ng mga ito sa ilan sa mga tao, o ipinagpapalagay na sa pagitan ng mga ito at ng mga ibang talata ay may salungatan. Pagkatapos nilinaw ni Allāh ang pakikitungo ng mga tao sa mga talatang ito. Ang mga taong sa mga puso nila ay may pagkiling palayo sa totoo ay nagwawaksi ng isinatahasan at sumasalig sa pinatalinghagang naisasaposibilidad. Naghahangad sila sa pamamagitan niyon ng pagpukaw sa maling akala at pagpapaligaw sa mga tao. Naghahangad sila sa pamamagitan niyon ng pagbibigay-pakahulugan sa mga ito ayon sa sumasang-ayon sa mga pithaya nila. Hinggil naman sa mga matatag sa kaalaman, tunay na sila ay nakaaalam sa pinatalinghagang ito, nagsasangguni nito sa isinatahasan, at sumasampalataya rito at sa pagiging ito ay mula sa ganang kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at hindi maaari na makalito o magsalungatan. Subalit walang nagsasaalaala niyon at napangangaralan kundi ang mga may mga isip na matino. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ina ng mga mananampalataya na si `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na kapag nakakita siya sa mga naghahangad ng pinatalinghaga, tunay na sila ay ang mga tinukoy ni Allāh sa sabi Niya: {Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko}. Kaya mag-ingat kayo sa kanila at huwag kayong makinig sa kanila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang isinatahasan mula sa mga āyah ng Qur'ān ay ang lumiwanag ang pakahulugan nito at lumitaw ang kahulugan nito. Ang pinatalinghaga ay ang nagsaposibilidad ng higit sa isang kahulugan at nangailangan ng isang pagtingin at pag-intindi.
  2. Ang pagbibigay-babala laban sa pakikihalo sa mga kampon ng kalikuan, mga alagad ng mga bid`ah, at mga naglalahad ng mga suliranin para sa pagpapaligaw sa mga tao at pagpapaduda sa kanila.
  3. Sa pagwawakas ng āyah sa sabi ni Allāh: {Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip} ay may pagbubunyag sa mga naliliko at may pagbubunyi sa mga nagpakalalim. Nangangahulugan ito na ang sinumang hindi nagsaalaala at hindi napangaralan at sumunod sa pithaya niya ay hindi kabilang sa mga may mga isip.
  4. Ang pagsunod sa pinatalinghaga ay isang kadahilanan ng pagkaliko ng puso.
  5. Ang pagkakinakailangan ng pagsangguni sa mga āyah na pinatalinghaga, na baka hindi naiintindihan ang kahulugan nito, sa mga āyah na isinatahasan.
  6. Ginawa ni Allāh ang ilang bahagi ng Qur'ān na isinatahasan at ang ilang bahagi nito na pinatalinghaga naman bilang pagsubok sa mga tao upang mabukod ang mga alagad ng pananampalataya sa mga alagad ng pagkaligaw.
  7. Sa pagkakasadlak sa pinatalinghaga sa Qur'ān ay may paglalantad sa kainaman ng mga maalam higit sa iba at may pagpapaalam sa mga isip hinggil sa mga kakulangan ng mga ito upang sumuko ang mga ito sa Panginoon ng mga ito at kumilala ang mga ito sa kawalang-kakayahan ng mga ito.
  8. Ang kainaman ng pagpapakalalim sa kaalaman at ang pagkakailangan ng pagpapakatatag dito.
  9. Ang mga tagapagpakahulugan kaugnay sa pagtigil sa pangalang {Allāh} mula sa sabi ni Allāh: {samantalang walang nakaaalam sa pagpapakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman} ay may dalawang pahayag. Ang sinumang tumigil sa pangalang {Allāh}, ang tinutukoy ng pagbibigay-pakahulugan ay ang kaalaman sa reyalidad ng bagay, ang pinakadiwa nito, at ang walang paraan sa pagtalos niyon gaya ng nauukol sa espiritu at Huling Sandali kabilang sa anumang nagsolo si Allāh sa kaalaman niyon, at ang mga nagpakalalim naman ay sumasampalataya rito at nagsasalig ng mga reyalidad nito kay Allāh kaya nagpapasakop sila at naliligtas sila. Ang sinumang nagpatuloy at hindi tumigil sa pangalang {Allāh}, ang tinutukoy ng pagbibigay-pakahulugan ay ang pagpapakahulugan, ang paghahayag, at ang pagpapaliwanag sapagkat si Allāh ay nakaaalam niyon at ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nakaaalam niyon din kaya sumasampalataya sila sa mga ito at nagsasangguni sila ng mga ito sa isinatahasan.